YouVersion Logo
Search Icon

Mga Gawa 13

13
Ang Pagkasugo kina Bernabe at Saulo
1May mga propeta at mga guro sa iglesya sa Antioquia. Kabilang dito sina Bernabe, Simeon na tinatawag ding Itim, Lucio na taga-Cirene, Manaen na kababata ni Herodes#1 HERODES: Ito ay si Herodes Antipas na anak ni Herodes na Dakila. na pinuno ng Galilea at Saulo. 2Habang sila'y nag-aayuno at sumasamba sa Panginoon, sinabi sa kanila ng Espiritu Santo, “Ibukod ninyo sina Bernabe at Saulo. Sila'y pinili ko para sa tanging gawaing inilaan ko sa kanila.” 3Pagkatapos nilang mag-ayuno at manalangin, ipinatong nila sa dalawa ang kanilang mga kamay at sila'y pinalakad na.
Ang Pangangaral nina Bernabe at Saulo
4Dahil isinugo ng Espiritu Santo, sina Bernabe at Saulo ay nagpunta sa Seleucia at buhat doo'y sumakay sila sa isang barkong papunta sa Cyprus. 5Nang dumating sila sa Salamina, ipinahayag nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio roon. Katulong nila si Juan#5 JUAN: Ang Juan na ito ay tinatawag ding Marcos (tingnan ang 12:12). sa kanilang gawain.
6Nilibot nila ang buong pulo hanggang sa Pafos. Natagpuan nila roon ang isang salamangkerong Judio na nagkukunwaring propeta; Bar-Jesus ang kanyang pangalan. 7Kaibigan ito ni gobernador Sergio Paulo, isang lalaking matalino. Ipinatawag ng gobernador sina Bernabe at Saulo sapagkat nais niyang marinig ang salita ng Diyos. 8Ngunit sinalungat sila ng salamangkerong si Elimas (ito ang pangalan ni Bar-Jesus sa wikang Griego) upang huwag sumampalataya ang gobernador. 9Si Saulo, na tinatawag ring Pablo, ay puspos ng Espiritu Santo. Tinitigan niya si Elimas 10at pinagsabihan, “Ikaw! Anak ka ng diyablo! Kaaway ka ng lahat ng mabuti! Puno ka ng pandaraya at kasamaan! Bakit ba lagi mong pinipilipit ang katotohanan tungkol sa Panginoon? 11Ngayon, paparusahan ka niya! Mabubulag ka sa loob ng kaunting panahon.”
Noon di'y naramdaman ni Elimas na parang tinakpan ng maitim na ulap ang kanyang mga mata, at siya'y naghanap ng taong aakay sa kanya. 12Sumampalataya ang gobernador nang makita ang nangyari, at humanga ito sa mga katuruan tungkol sa Panginoon.
Sa Antioquia sa Pisidia
13Mula sa Pafos, naglayag sina Pablo hanggang sa Perga sa Pamfilia; humiwalay naman sa kanila si Juan#13 JUAN: Ang Juan na ito ay tinatawag ding Marcos (tingnan ang 12:12). at nagbalik sa Jerusalem. 14Mula sa Perga, nagpatuloy sila hanggang Antioquia sa Pisidia. Nang Araw ng Pamamahinga, pumasok sila sa sinagoga at naupo.
15Matapos basahin ang ilang bahagi ng mga aklat ng Kautusan at ng mga Propeta, nagpasabi sa kanila ang mga tagapamahala ng sinagoga, “Mga kapatid, kung mayroon kayong ituturo sa mga tao, maaari kayong magsalita.”
16Kaya't tumayo si Pablo at sinenyasan silang tumahimik,
“Mga Israelita, at kayong lahat na may takot sa Diyos, makinig kayo! 17Ang#Exo. 1:7; Exo. 12:51. Diyos ng ating bansang Israel ang pumili sa ating mga ninuno. Sila'y ginawa niyang isang malaking bansa habang naninirahan pa sila sa lupain ng Egipto, at sila'y inilabas niya doon sa pamamagitan ng kanyang dakilang kapangyarihan. 18Sa#Bil. 14:34; Deut. 1:31. loob ng apatnapung taon, sila ay pinagtiisan#18 pinagtiisan: Sa ibang matatandang manuskrito'y inalagaan. niya sa ilang. 19Nilipol#Deut. 7:1; Jos. 14:1. niya ang pitong bansa sa lupain ng Canaan at ibinigay sa mga Israelita ang lupain ng mga Canaanita 20sa#Huk. 2:16; 1 Sam. 3:20. loob ng halos 450 taon.
“Pagkatapos, sila'y binigyan niya ng mga hukom, hanggang sa panahon ng propetang si Samuel. 21Nang#1 Sam. 8:5; 1 Sam. 10:21. humingi sila ng hari, ibinigay sa kanila ng Diyos ang isang lalaking mula sa lipi ni Benjamin, si Saul na anak ni Cis. Naghari si Saul sa loob ng apatnapung taon. 22At#1 Sam. 13:14; 1 Sam. 16:12; Awit 89:20. nang siya'y alisin ng Diyos, si David naman ang pinili ng Diyos upang maghari sa kanila. Sinabi ng Diyos tungkol sa kanya, ‘Si David, na anak ni Jesse, ay isang lalaking mula sa aking puso. Siya'y handang sumunod sa lahat ng iniuutos ko.’
23“Sa angkan ng lalaking ito nagmula si Jesus, ang Tagapagligtas na ipinangako ng Diyos sa Israel. 24Bago#Mc. 1:4; Lu. 3:3. siya dumating, nangaral si Juan sa buong Israel na dapat nilang pagsisihan at talikuran ang kanilang mga kasalanan, at magpabautismo. 25Nang#Jn. 1:20; Mt. 3:11; Mc. 1:7; Lu. 3:16; Jn. 1:27. matatapos na ni Juan ang kanyang gawain, sinabi niya sa mga tao, ‘Sino ba ako sa akala ninyo? Hindi ako ang Cristo. Ngunit siya'y darating na kasunod ko. At hindi ako karapat-dapat kahit magkalag man lamang ng kanyang sandalyas.’
26“Mga kapatid kong mula sa lahi ni Abraham, at mga taong may takot sa Diyos, tayo ang pinadalhan ng balitang ito tungkol sa kaligtasan. 27Hindi nakilala ng mga taga-Jerusalem at ng kanilang mga pinuno na si Jesus ang Tagapagligtas. Hindi rin nila naunawaan ang mga pahayag ng mga propeta, na binabasa nila tuwing Araw ng Pamamahinga. Ngunit sila na rin ang nagsakatuparan ng pahayag na iyon nang si Jesus ay hatulan nila ng kamatayan. 28Kahit#Mt. 27:22-23; Mc. 15:13-14; Lu. 23:21-23; Jn. 19:15. na wala silang sapat na dahilan upang siya'y ipapatay, hiniling pa rin nila kay Pilato na siya'y hatulan ng kamatayan. 29At#Mt. 27:57-61; Mc. 15:42-47; Lu. 23:50-56; Jn. 19:38-42. nang matupad na nila ang lahat ng nasusulat tungkol sa kanya, siya ay ibinabâ nila sa krus at inilibing.
30“Subalit siya'y muling binuhay ng Diyos, 31at#Gw. 1:3. sa loob ng maraming araw, siya ay nagpakita sa mga sumama sa kanya sa Jerusalem mula sa Galilea. Ngayon, sila ang mga saksi niya sa mga Israelita. 32Ngayon ay dala namin sa inyo ang Magandang Balita, na ang pangako ng Diyos sa ating mga ninuno 33ay#Awit 2:7. tinupad na sa atin na kanilang mga anak, nang muli niyang buhayin si Jesus. Ito ang nakasulat sa ikalawang Awit,
‘Ikaw ang aking Anak,
mula ngayo'y ako na ang iyong Ama.’
34Tungkol#Isa. 55:3 (LXX). naman sa kanyang muling pagkabuhay at di pagkabulok ng kanyang katawan ay sinabi ng Diyos,
‘Ipagkakaloob ko sa inyo ang mga banal at maaasahang pagpapala
gaya ng ipinangako ko kay David.’
35At#Awit 16:10. sinabi rin niya sa iba pang bahagi,
‘Hindi mo hahayaang dumanas ng pagkabulok ang iyong Banal.’
36“Nang maisagawa na ni David ang kalooban ng Diyos, siya'y namatay at inilibing sa piling ng kanyang mga ninuno, at siya'y dumanas ng pagkabulok. 37Subalit si Jesus ay muling binuhay ng Diyos at hindi dumanas ng pagkabulok. 38Dapat ninyong malaman, mga kapatid, na sa pamamagitan ni Jesus ay ipinangaral sa inyo ang kapatawaran ng kasalanan. 39At ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay pinapatawad na sa lahat ng pagkakasalang hindi naipatawad sa inyo sa pamamagitan ng pagtupad ng Kautusan ni Moises. 40Kaya't mag-ingat kayo upang hindi mangyari sa inyo ang sinabi ng mga propeta,
41‘Tingnan#Hab. 1:5 (LXX). ninyo, kayong mga nangungutya sa Diyos!
Manggigilalas kayo at mapapahamak!
Sapagkat isasagawa ko sa inyong kapanahunan
ang isang bagay na hindi ninyo paniniwalaan,
kahit na may magpaliwanag pa nito sa inyo!’”
42Nang sina Pablo at Bernabe ay palabas na sa sinagoga, inanyayahan sila ng mga tao na magsalita muli tungkol sa mga bagay na ito sa susunod na Araw ng Pamamahinga. 43Pagkatapos ng pulong, sumunod kina Pablo at Bernabe ang maraming Judio at mga debotong Hentil na nahikayat mula sa relihiyong Judaismo. Nagsalita sa kanila ang mga apostol at pinangaralan silang magpatuloy sa pamumuhay nang nararapat ayon sa kagandahang-loob ng Diyos.
44Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos lahat ng tao sa lunsod ay nagkatipon upang makinig sa salita ng Panginoon.#44 PANGINOON: Sa ibang manuskrito'y Diyos. 45Inggit na inggit naman ang mga Judio nang makita nila ang napakaraming tao, kaya't nilait nila at sinalungat si Pablo. 46Ngunit buong tapang na sinabi nina Pablo at Bernabe, “Sa inyo muna sana dapat ipahayag ang salita ng Diyos. Ngunit dahil itinatakwil ninyo ito, hinahatulan ninyo ang inyong sarili na kayo'y hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, kaya't sa mga Hentil na kami mangangaral. 47Ganito#Isa. 42:6; 49:6. ang iniutos sa amin ng Panginoon,
‘Inilagay kitang liwanag sa mga Hentil
upang maipangaral mo ang kaligtasan hanggang sa dulo ng daigdig.’”
48Nang marinig ng mga Hentil ang mga salitang iyon, sila'y nagalak at nagpuri sa Panginoon dahil sa salita niya, at sumampalataya ang lahat ng hinirang para sa buhay na walang hanggan.
49Kaya't lumaganap sa buong lupain ang salita ng Panginoon. 50Ngunit sinulsulan ng mga Judio ang mga pinuno ng lunsod at ang mga debotong babae at kilala sa lipunan; ipinausig nila sina Pablo at Bernabe, at pinalayas sa lupaing iyon. 51Kaya't#Mt. 10:14; Mc. 6:11; Lu. 9:5; 10:11. ipinagpag ng dalawa ang alikabok sa kanilang mga paa bilang saksi laban sa mga tagaroon, at sila'y nagpunta sa Iconio. 52Ang mga alagad naman sa Antioquia ay napuspos ng kagalakan at ng Espiritu Santo.

Currently Selected:

Mga Gawa 13: RTPV05

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Video for Mga Gawa 13