Josue 19
19
Ang Bahagi ng Lipi ni Simeon
1Pangalawang lumabas sa palabunutan ang bahagi ng lipi ni Simeon. Nasa loob ng lupain ng Juda ang lupaing ibinigay sa kanila. 2Sakop#1 Cro. 4:28-33. nito ang Beer-seba, Seba at Molada; 3Hazar-shual, Bala at Ezem; 4Eltolad, Bethul at Horma; 5Ziklag, Beth-marcabot at Hazar-susa; 6Beth-lebaot at Saruhen—labing-tatlong lunsod at bayan ang sakop nila.
7Kasama rin ang apat na lunsod ng Ayin, Rimon, Eter at Asan at ang mga karatig-bayan nito. 8Sakop nito ang mga nayon sa paligid hanggang Baalat-beer o Rama ng Negeb. Ito ang lupaing napunta sa lipi ni Simeon bilang bahagi nila. 9Ang bahaging ito ay nasa loob ng teritoryo ng Juda; sapagkat ang lipi ni Juda ay tumanggap nang higit sa kanilang kinakailangan, ang bahagi nito ay ibinigay sa lipi ni Simeon.
Ang Bahagi ng Lipi ni Zebulun
10Pangatlong lumabas sa palabunutan ang bahagi ng lipi ni Zebulun. Ang lupaing napunta sa kanila ay abot sa Sarid.#10 SARID: Sa ibang manuskrito'y Shadud. 11Buhat dito ang kanyang hanggana'y umahong pakanluran patungo sa Marala, nagtuloy sa Dabeset, at sa batis na nasa silangan ng Jokneam. 12Buhat din sa Sarid, ang hanggana'y pumasilangan hanggang sa Kislot-tabor, lumabas patungong Daberat, at umahon sa Jafia. 13Buhat doon, nagpatuloy sa Gat-hefer, nagdaan ng Itcazin, lumabas sa Rimon, at lumikong patungo sa Nea. 14Sa hilaga naman, ang hanggana'y lumikong patungo sa Hanaton, at nagtapos sa Kapatagan ng Jefte-el. 15Ito ang mga lunsod ng Zebulun: Catat, Nahalal, Simron, Idala, Bethlehem—labindalawang lunsod kasama ang mga nayon nito. 16Ang mga lunsod na ito at ang mga nayong sakop nila ang napapunta sa lipi ni Zebulun.
Ang Bahagi ng Lipi ni Isacar
17Napunta sa lipi ni Isacar ang pang-apat na bahagi. 18Sakop nito ang Jezreel, Kesulot at Sunem; 19Hafaraim, Shion at Anaharat; 20Rabit, Cision at Ebez; 21Remet, En-ganim, En-hada at Beth-pazez. 22Abot sa Tabor, sa Sahazuma at Beth-semes ang kanyang mga hangganan, at nagtapos sa Ilog Jordan. Labing-anim na lunsod, kasama ang kanilang mga sakop na nayon, ang nasasaklaw ng lupaing ito. 23Ang mga lunsod at bayang ito ang bahaging napunta sa lipi ni Isacar.
Ang Bahagi ng Lipi ni Asher
24Napunta naman sa lipi ni Asher ang ikalimang bahagi. 25Sakop nito ang Helcat, Hali, Bethen at Acsaf; 26ang Alamelec, Amad at Misal; abot sa Carmelo at sa Sihor-libnat ang hangganan sa kanluran. 27Sa pasilangan naman, ang hanggana'y nagtungo sa Beth-dagon, at sa pahilaga, nagdaan sa gilid ng Zebulun at sa Kapatagan ng Jefte-el patungong Beth-emec at Neiel at nagtuloy sa Cabul. 28Saklaw pa rin sa gawing hilaga ang Ebron, Rehob, Hamon, Cana at hanggang sa Dakilang Sidon. 29Pagkatapos, ang hanggana'y lumikong patungo sa Rama, at nagtuloy sa Tiro, isang lunsod na napapaligiran ng pader; lumikong muli patungong Hosa, at nagtapos sa Dagat Mediteraneo. Kasama sa hilagang-silangan ng lupaing iyon ang Mahalab, Aczib, 30Uma, Afec at Rehob—dalawampu't dalawang lunsod, kasama ang mga nayong sakop nila. 31Ang mga lunsod at nayong ito ang naging bahagi ng mga angkan ng lipi ni Asher.
Ang Bahagi ng Lipi ni Neftali
32Napunta naman sa lipi ni Neftali ang ikaanim na bahagi. 33Buhat sa Helef, sa gubat ng mga punong roble sa Zaananim, ang hangganan nito'y nagtungo sa Adamineceb, lumampas ng Jabneel, nagtuloy sa Lacum at nagtapos sa Jordan. 34Sa pakanluran naman, ang hanggana'y nagtungo sa Aznot-tabor at lumampas na papuntang Hucoca. Karatig ng lupaing ito sa timog ang lupain ng Zebulun, sa kanluran ang lupain ng Asher, at sa silangan ang Juda sa kabila ng Jordan. 35Ito ang mga lunsod ng Neftali na may mga pader: Sidim, Ser, Hamat, Racat, Cineret, 36Adama, Rama, Hazor, 37Kades, Edrei, En-hazor, 38Jiron, Migdal-el, Horem, Beth-anat at Beth-semes—labinsiyam na lunsod kasama ang mga nayong sakop nila. 39Ang mga lunsod at nayong ito ang naging bahagi ng lipi ni Neftali.
Ang Bahagi ng Lipi ni Dan
40Napapunta sa lipi ni Dan ang ikapitong bahagi. 41Sakop nito ang mga sumusunod: Zora, Estaol, Ir-semes, 42Saalabin, Ayalon, Itla, 43Elon, Timna, Ekron, 44Elteque, Gibeton, Baalat, 45Jehud, Bene-berac, Gat-rimon, 46Me-jarcon, Racon at ang lupaing nasa tapat ng Joppa. 47May#Huk. 18:27-29. mga lupain para sa lipi ni Dan na hindi pa nila nasasakop. Kaya't nang kulangin sila ng lupain, sinalakay nila ang Lesem, sinakop ito at nilipol ang mga tagaroon. Pagkatapos nilang makuha ang Lesem, pinalitan nila ang pangalan nito at tinawag na Dan, alang-alang kay Dan na kanilang ninuno. 48Ang mga lunsod at nayong ito ang naging bahagi ng lipi ni Dan, at pinaghati-hatian ng mga angkang bumubuo ng lipi.
Ang Lupaing Ibinigay kay Josue
49Matapos tanggapin ng mga Israelita ang kani-kanilang bahagi ng lupain, binigyan naman nila si Josue na anak ni Nun ng para sa kanya. 50Ayon sa ipinag-utos ni Yahweh, ibinigay nila sa kanya ang lunsod na kanyang hiniling, ang Timnat-sera na nasa lupain ng Efraim. Muli itong itinayo ni Josue at doon siya nanirahan.
51Ginawa ng paring si Eleazar at ni Josue na anak ni Nun ang pagbabahagi ng lupain sa pamamagitan ng palabunutan. Ginawa nila ito sa Shilo, sa harapan ni Yahweh, sa may pintuan ng Toldang Tipanan, katulong ang mga pinuno ng mga angkan. Sa ganitong paraan natapos ang pagbibigay sa bawat lipi ng kani-kanilang bahagi sa lupain.
Currently Selected:
Josue 19: RTPV05
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society