Genesis 25
25
Mga Iba pang Lahi ni Abraham
(1 Cro. 1:32-33)
1Muling nag-asawa si Abraham at ang pangalan ng babae ay Ketura. 2Ang mga anak niya rito ay sina Zimran, Jocsan, Medan, Midian, Isbak at Suah. 3Si Jocsan ang ama nina Seba at Dedan. Kay Dedan nagmula ang mga Asurim, Letusim at Leumim. 4Ang mga anak naman ni Midian ay sina Efa, Efer, Enoc, Abida at Eldaa. Lahat sila'y buhat kay Ketura.
5Kay Isaac ipinamana ni Abraham ang lahat niyang ari-arian. 6Ngunit bago siya namatay, pinagbibigyan na niya ng regalo ang mga anak niya sa ibang asawa, at pinapunta sa lupain sa dakong silangan para mapalayo kay Isaac.
Namatay si Abraham
7Si Abraham ay nabuhay nang 175 taon. 8Matandang-matanda na siya nang mamatay. 9At inilibing siya nina Isaac at Ismael sa yungib ng Macpela sa silangan ng Mamre, sa parang na dating kay Efron, anak ni Zohar na Heteo. 10Ang#Gen. 23:3-16. lugar na iyon ang binili ni Abraham sa mga Heteo at doon sila nalibing ni Sara. 11Pagkamatay ni Abraham, pinagpala ng Diyos si Isaac. Doon siya tumira sa Beer-lahai-roi.
Ang Lahi ni Ismael
(1 Cro. 1:28-31)
12Ito naman ang lahi ni Ismael na anak ni Abraham kay Hagar, ang taga-Egiptong alipin ni Sara. 13Si Nebayot ang panganay, sumunod sina Kedar, Abdeel at Mibsam. 14Sumunod sina Misma, Duma at Massa; 15pagkatapos ay sina Hadad, Tema, Jetur, Nafis at Kedema. 16Sila ang labindalawang anak ni Ismael na naging pinuno ng kani-kanilang lipi. Isinunod sa kanilang mga pangalan ang mga bayan at pinagkampuhan ng kani-kanilang mga lipi. 17Namatay si Ismael sa gulang na 137 taon, at siya'y inilibing. 18Ang lahi ni Ismael ay tumira sa lupain sa pagitan ng Havila at Shur, sa daang patungo sa Asiria sa silangan ng Egipto. Nakabukod sila sa ibang mga lipi ni Abraham.
Ipinanganak sina Esau at Jacob
19Ito naman ang kasaysayan ni Isaac na anak ni Abraham. 20Apatnapung taon na si Isaac nang mapangasawa niya si Rebeca, anak na dalaga ni Bethuel, isang Arameong taga-Mesopotamia. Si Rebeca'y kapatid ni Laban, isa ring Arameo. 21Hindi magkaanak si Rebeca, kaya't nanalangin kay Yahweh si Isaac. Dininig naman siya at si Rebeca'y naglihi. 22Kambal ang kanyang dinadala at nasa tiyan pa'y nagtutulakan na ang dalawa. Kaya't nasabi ng ina, “Kung ngayon pa'y ganito na ang nangyayari sa akin, bakit pa ako mabubuhay?” Kaya't siya'y nagtanong kay Yahweh. 23Ganito#Ro. 9:12. naman ang sagot ni Yahweh:
“Dalawang sanggol ang dala mo sa loob ng iyong tiyan,
larawan ng dalawang bansa na magiging magkalaban;
magiging higit na malakas ang mas bata kaysa sa nauna,
kaya maglilingkod ang mas matanda sa bata niyang kapatid.”
24Dumating ang panahon at nanganak nga siya ng kambal. 25Mamula-mula ang kutis at mabalahibo ang katawan ng panganay, kaya't Esau#25:25 ESAU: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito ay “mabalahibo”. ang ipinangalan dito. 26Nang lumabas ang pangalawa, nakahawak ito sa sakong ng kanyang kakambal, kaya Jacob#25:26 JACOB: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito ay “sakong”. naman ang itinawag sa kanya. Animnapung taon si Isaac noon.
Ipinagbili ni Esau ang Kanyang Karapatan
27Lumaki ang mga bata. Naging mahusay na mangangaso si Esau at sa kaparangan na halos tumitira. Si Jacob naman ay tahimik at lagi sa bahay. 28Higit ang pagtingin ni Isaac kay Esau, palibhasa'y kinawiwilihan niyang kainin ang mga nahuhuli nito sa pangangaso, samantalang si Jacob naman ang mas mahal ni Rebeca.
29Minsan, si Jacob ay nagluluto ng sinabawang pulang patani; siya namang pagdating ni Esau mula sa pangangaso. 30Sinabi niya, “Gutom na gutom na ako, bigyan mo naman ako niyang mapulang niluluto mo.” At dahil dito'y tinawag siyang Edom.#25:30 EDOM: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito ay “pula”.
31Sumagot si Jacob, “Ibigay mo muna sa akin ang iyong karapatan bilang panganay.”
32“Payag na ako,” sabi ni Esau, “aanhin ko pa ang pagiging panganay kung mamamatay naman ako sa gutom?”
33“Kung#Heb. 12:16. gayon,” sabi ni Jacob, “sumumpa ka muna.” Sumumpa nga si Esau, at ibinigay kay Jacob ang karapatan ng pagiging panganay. 34Ibinigay naman ni Jacob kay Esau ang niluto niyang gulay at binigyan pa ito ng tinapay. Matapos kumai't uminom, umalis na agad si Esau. Iyon lamang ang halaga sa kanya ng kanyang karapatan bilang panganay.
Zur Zeit ausgewählt:
Genesis 25: MBBTAG12
Markierung
Teilen
Kopieren
Möchtest du deine gespeicherten Markierungen auf allen deinen Geräten sehen? Erstelle ein kostenloses Konto oder melde dich an.
New Testament © 2012 Philippine Bible Society
Old Testament © 2005 Philippine Bible Society