1
Lucas 14:26
Ang Salita ng Diyos
ASD
“Ang sinumang nais sumunod sa akin, ngunit mas mahalaga sa kanya ang kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid at maging ang kanyang buhay ay hindi maaaring maging alagad ko.
مقایسه
Lucas 14:26 را جستجو کنید
2
Lucas 14:27
Ang sinumang ayaw sumunod sa akin dahil natatakot siyang mamatay para sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko.
Lucas 14:27 را جستجو کنید
3
Lucas 14:11
Sapagkat ang nagpapakataas ng kanyang sarili ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”
Lucas 14:11 را جستجو کنید
4
Lucas 14:33
Gayundin naman, kung hindi ninyo magawang talikuran ang lahat ng nasa inyo ay hindi kayo maaaring maging alagad ko.
Lucas 14:33 را جستجو کنید
5
Lucas 14:28-30
“Ang sinumang gustong sumunod sa akin ay katulad ng isang tao na nagbabalak magtayo ng isang tore. Una, iisipin niya muna kung magkano ang magagastos niya sa pagpapatayo at kung may sapat siyang perang gagastusin hanggang sa matapos ito. Sapagkat kung hindi niya ito gagawin, baka hanggang pundasyon lang ang maipagawa niya at hindi na matapos. Kaya pagtatawanan siya ng makakakita nito. Sasabihin nila, ‘Nagpatayo ng tore ang taong ito pero hindi nakayang ipatapos.’
Lucas 14:28-30 را جستجو کنید
6
Lucas 14:13-14
Kaya kung maghahanda ka, imbitahin mo rin ang mga mahihirap, mga lumpo, mga pilay at mga bulag. Sa ganoon ay pagpapalain ka, dahil kahit hindi ka nila masusuklian, gagantimpalaan ka ng Diyos sa araw ng muling pagkabuhay ng matutuwid.”
Lucas 14:13-14 را جستجو کنید
7
Lucas 14:34-35
“Mabuti ang asin, pero kung itoʼy mawalan ng lasa, wala nang magagawa para maibalik ang alat nito. Wala na itong pakinabang kahit ihalo sa dumi para maging pataba sa lupa, kaya itinatapon na lang ito ng mga tao. “Makinig ang sinumang may pandinig!”
Lucas 14:34-35 را جستجو کنید