Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Hindi maiiwasan ang pagdating ng mga bagay na magiging dahilan ng pagkakasala ng tao. Ngunit nakakaawa ang taong magiging dahilan ng pagkakasala ng kanyang kapwa. Mas mabuti pang talian na lang siya ng gilingang bato sa leeg at itapon sa dagat, kaysa maging dahilan ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito.