Lucas 4:5-8
Lucas 4:5-8 ASD
Dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na lugar, at sa isang iglap ay ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian ng mundo. At sinabi ng diyablo kay Hesus, “Ibibigay ko sa iyo ang karapatang mamuno sa lahat ng ito at ang kadakilaang kalakip nito, dahil ipinagkaloob sa akin ang mga iyan at maibibigay ko sa kahit kanino ko gusto. Kaya kung sasambahin mo ako, mapapasaiyo ang lahat ng iyan.” Ngunit sumagot si Hesus, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Sambahin mo ang Panginoon na iyong Diyos at siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’ ”


