Lucas 7:21-22

Lucas 7:21-22 ASD

Nang mga sandaling iyon, maraming pinagaling si Hesus na mga maysakit sa ibaʼt ibang uri ng karamdaman, at mga sinasapian ng masasamáng espiritu. Marami din siyang pinagaling na mga bulag. Kaya sinabi niya sa mga alagad ni Juan, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kanya ang nakita at narinig ninyo: Nakakakita na ang mga bulag, nakakalakad na ang mga lumpo, gumaling na ang mga may malubhang sakit sa balat, at nakakarinig na ang mga bingi. Muling binuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita.

مطالعه Lucas 7

بشنويد Lucas 7

ویدیوهایی برای Lucas 7:21-22