Lucas 8:13
Lucas 8:13 ASD
Ang batuhan kung saan nahulog ang ibang binhi ay ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos at tinanggap ito nang may kagalakan. Ngunit hindi ito nag-ugat sa kanilang mga puso, kayaʼt hindi nagtagal ang kanilang pananampalataya. Pagdating ng mga pagsubok, tinatalikuran nila ang kanilang pananampalataya.

