Marcos 7:21-23
Marcos 7:21-23 ASD
Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masamang pag-iisip na nagtutulak sa kanyang gumawa ng seksuwal na imoralidad, pagnanakaw, pagpatay, pangangalunya, kasakiman, kasamaan, pandaraya, kalaswaan, pagkainggit, paninira sa kapwa, pagmamayabang, at kahangalan. Ang lahat ng kasamaang ito ay nanggagaling sa puso ng tao, at nagpaparumi sa kanya.”

