1
JUAN 15:5
Ang Biblia, 2001
ABTAG01
Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin at ako'y sa kanya ay siyang nagbubunga ng marami. Sapagkat kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.
比較
JUAN 15:5で検索
2
JUAN 15:4
Kayo'y manatili sa akin, at ako'y sa inyo. Gaya ng sanga na hindi magbubunga buhat sa kanyang sarili malibang nakakabit sa puno, gayundin naman kayo, malibang kayo'y manatili sa akin.
JUAN 15:4で検索
3
JUAN 15:7
Kung kayo'y mananatili sa akin, at ang mga salita ko'y mananatili sa inyo, hingin ninyo ang anumang inyong nais, at ito'y gagawin para sa inyo.
JUAN 15:7で検索
4
JUAN 15:16
Ako'y hindi ninyo pinili, ngunit kayo'y pinili ko, at itinalaga ko kayo upang kayo'y humayo at magbunga, at ang mga bunga ninyo'y mananatili, upang ang anumang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan ay ibigay niya sa inyo.
JUAN 15:16で検索
5
JUAN 15:13
Walang may higit pang dakilang pag-ibig kaysa rito, na ibigay ng isang tao ang kanyang buhay dahil sa kanyang mga kaibigan.
JUAN 15:13で検索
6
JUAN 15:2
Ang bawat sanga sa akin na hindi nagbubunga ay inaalis niya; at ang bawat sanga na nagbubunga ay nililinis niya upang lalong magbunga.
JUAN 15:2で検索
7
JUAN 15:12
Ito ang aking utos, na kayo'y magmahalan sa isa't isa, gaya ng pagmamahal ko sa inyo.
JUAN 15:12で検索
8
JUAN 15:8
Sa pamamagitan nito'y naluluwalhati ang aking Ama, na kayo'y magbunga ng marami, at maging mga alagad ko.
JUAN 15:8で検索
9
JUAN 15:1
“Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga.
JUAN 15:1で検索
10
JUAN 15:6
Kung ang sinuman ay hindi manatili sa akin, siya'y itatapong katulad ng sanga at matutuyo, at sila ay titipunin at ihahagis sa apoy at masusunog.
JUAN 15:6で検索
11
JUAN 15:11
Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo upang ang aking kagalakan ay mapasainyo, at ang inyong kagalakan ay malubos.
JUAN 15:11で検索
12
JUAN 15:10
Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, ay mananatili kayo sa aking pag-ibig gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama, at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig.
JUAN 15:10で検索
13
JUAN 15:17
Ang mga bagay na ito ay iniuutos ko sa inyo, upang kayo'y magmahalan sa isa't isa.
JUAN 15:17で検索
14
JUAN 15:19
Kung kayo'y taga-sanlibutan, iibigin kayo ng sanlibutan na parang sa kanya. Ngunit dahil kayo'y hindi taga-sanlibutan, kundi kayo'y pinili ko mula sa sanlibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanlibutan.
JUAN 15:19で検索
ホーム
聖書
読書プラン
ビデオ