1
Juan 3:16
Ang Salita ng Diyos
ASD
“Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
ប្រៀបធៀប
រុករក Juan 3:16
2
Juan 3:17
Sapagkat isinugo ng Diyos ang kanyang Anak dito sa sanlibutan upang iligtas ito, hindi upang hatulan.
រុករក Juan 3:17
3
Juan 3:3
Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakaranas sa paghahari ng Diyos, malibang ipanganak siyang muli.”
រុករក Juan 3:3
4
Juan 3:18
“Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi hahatulan ng kaparusahan, ngunit ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, dahil hindi siya sumasampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos.
រុករក Juan 3:18
5
Juan 3:19
Ito ang batayan ng hatol: Dumating ang ilaw dito sa mundo, ngunit mas ginusto nilang manatili sa kadiliman kaysa sa liwanag, sapagkat masama ang mga ginagawa nila.
រុករក Juan 3:19
6
Juan 3:30
Dapat lalo pa siyang maitaas, at ako namaʼy maibaba.
រុករក Juan 3:30
7
Juan 3:20
Ang taong gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw at hindi lumalapit dito, dahil ayaw niyang malantad ang kanyang mga gawa.
រុករក Juan 3:20
8
Juan 3:36
Ang sinumang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang sumusuway sa kanya ay hindi makakamtan ang buhay na ito, sa halip, mananatili sa kanya ang poot ng Diyos.”
រុករក Juan 3:36
9
Juan 3:14
Kung paanong itinaas ni Moises ang ahas na tanso doon sa ilang, kailangan ding itaas ang Anak ng Tao
រុករក Juan 3:14
10
Juan 3:35
Mahal ng Ama ang kanyang Anak, at ipinasailalim niya ang lahat ng bagay sa awtoridad ng Anak.
រុករក Juan 3:35