Juan 2:7-8
Juan 2:7-8 ASD
Sinabi ni Hesus sa mga katulong, “Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan.” At pinuno nga nila ang mga ito. Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, “Sumalok kayo nang kaunti at dalhin sa namamahala ng handaan.” At dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan.


