LUCAS 17

17
Pagpapatawad sa Kapatid
(Mt. 18:6, 7, 21, 22; Mc. 9:42)
1Sinabi ni Jesus#17:1 Sa Griyego ay niya. sa kanyang mga alagad, “Hindi maaaring di dumating ang mga kadahilanan ng pagkatisod, subalit kahabag-habag ang sinuman na pinanggagalingan niyon.
2Mabuti pa sa kanya na bitinan ang kanyang leeg ng isang batong panggiling, at ihagis siya sa dagat, kaysa siya ang maging sanhi ng pagkatisod ng isa sa maliliit na ito.
3Mag-ingat#Mt. 18:15 kayo sa inyong sarili. Kung magkasala ang iyong kapatid, sawayin mo siya, at kung siya'y magsisi, patawarin mo siya.
4Kung siya'y magkasala laban sa iyo ng pitong ulit sa isang araw at pitong ulit siyang bumalik sa iyo, na nagsasabi, ‘Nagsisisi ako,’ dapat mo siyang patawarin.”
Pananampalataya
5Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan mo ang pananampalataya namin.”
6Sinabi ng Panginoon, “Kung mayroon kayong pananampalataya na kasinglaki ng isang binhi ng mustasa, masasabi ninyo sa puno ng sikomorong ito, ‘Mabunot ka, at matanim ka sa dagat,’ susundin kayo nito.
Katungkulan ng Isang Lingkod
7“Sino sa inyo, na mayroong aliping nag-aararo o nag-aalaga ng mga tupa ang magsasabi sa kanya pagkagaling sa bukid, ‘Pumarito ka agad at maupo sa hapag ng pagkain.’
8Sa halip, hindi ba niya sasabihin sa kanya, ‘Ipaghanda mo ako ng hapunan, magbigkis ka, paglingkuran mo ako, hanggang sa ako'y makakain at makainom, pagkatapos ay kumain ka at uminom’?
9Pinasasalamatan ba niya ang alipin, sapagkat ginawa niya ang iniutos sa kanya?
10Gayundin naman kayo, kapag nagawa na ninyo ang lahat ng mga bagay na iniutos sa inyo, inyong sabihin, ‘Kami'y mga aliping walang kabuluhan, ginawa lamang namin ang aming katungkulan.’”
Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin
11Habang patungo sa Jerusalem, si Jesus#17:11 Sa Griyego ay siya. ay dumaan sa pagitan ng Samaria at Galilea.
12At sa pagpasok niya sa isang nayon, sinalubong siya ng sampung lalaking ketongin, na nakatayo sa malayo.
13Sila'y nagsisigaw at nagsabi, “Jesus, Panginoon, maawa ka sa amin.”
14Nang#Lev. 14:1-32 kanyang makita sila ay sinabi niya sa kanila, “Humayo kayo at kayo'y magpakita sa mga pari.” Habang sila'y umaalis, sila ay nagiging malinis.
15Nang makita ng isa sa kanila na siya'y gumaling na, siya ay bumalik na pinupuri ng malakas na tinig ang Diyos.
16Siya'y nagpatirapa sa paanan ni Jesus#17:16 Sa Griyego ay niya. na nagpapasalamat sa kanya. Siya'y isang Samaritano.
17At nagtanong si Jesus, “Hindi ba sampu ang nalinis? Nasaan ang siyam?
18Wala bang natagpuang bumalik at nagbigay papuri sa Diyos, maliban sa dayuhang ito?”
19At sinabi ni Jesus sa kanya, “Tumindig ka at humayo. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.”
Ang Pagdating ng Kaharian
(Mt. 24:23-28, 37-41)
20Palibhasa'y tinanong si Jesus#17:20 Sa Griyego ay siya. ng mga Fariseo kung kailan darating ang kaharian ng Diyos, kanyang sinagot sila, “Ang kaharian ng Diyos ay hindi darating na may mga palatandaang makikita.
21At di rin nila sasabihin, ‘Tingnan ninyo, naririto o naroroon!’ Sapagkat masdan ninyo, ang kaharian ng Diyos ay nasa inyo.”
22Sinabi niya sa mga alagad, “Darating ang mga araw na hahangarin ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao at hindi ninyo ito makikita.
23At sasabihin nila sa inyo, ‘Tingnan ninyo, naroroon’ o ‘Tingnan ninyo, naririto!’ Huwag kayong pumaroon o sumunod sa kanila.
24Sapagkat kung paanong ang kidlat ay kumikislap at pinaliliwanag ang langit mula sa isang panig hanggang sa kabila, gayundin naman ang Anak ng Tao sa kanyang araw.
25Subalit kailangan muna siyang magdusa ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.
26At#Gen. 6:5-8 kung paano ang nangyari sa mga araw ni Noe, ay gayundin naman ang mangyayari sa mga araw ng Anak ng Tao.
27Sila'y#Gen. 7:6-24 kumakain at umiinom, nag-aasawa at sila'y pinag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe at dumating ang baha, at nilipol silang lahat.
28Gayundin#Gen. 18:20–19:25 ang nangyari sa mga araw ni Lot. Sila'y kumakain at umiinom, bumibili at nagbibili, nagtatanim at nagtatayo.
29Subalit nang araw na umalis sa Sodoma si Lot, umulan ng apoy at asupre mula sa langit at pinuksa silang lahat.
30Gayundin naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng Tao ay mahayag.
31Sa#Mt. 24:17, 18; Mc. 13:15, 16 araw na iyon, ang nasa bubungan na ang pag-aari niya ay nasa bahay, ay huwag nang manaog upang kunin ang mga ito. Gayundin, ang nasa bukid ay huwag nang bumalik.
32Alalahanin#Gen. 19:26 ninyo ang asawa ni Lot.
33Sinumang#Mt. 10:39; 16:25; Mc. 8:35; Lu. 9:24; Jn. 12:25 nagsisikap ingatan ang kanyang buhay ay mawawalan nito, subalit ang sinumang nawalan ng kanyang buhay ay maiingatan iyon.
34Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon ay may dalawa sa isang higaan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.
35May dalawang magkasamang magtatrabaho sa gilingan, kukunin ang isa, at ang isa'y iiwan.”
36(Pupunta sa bukid ang dalawang lalaki; ang isa'y kukunin at ang isa'y iiwan.)
37At sinabi nila sa kanya, “Saan, Panginoon?” Sinabi niya sa kanila, “Kung saan naroon ang bangkay ay doon magtitipon ang mga buwitre.”

Šiuo metu pasirinkta:

LUCAS 17: ABTAG01

Paryškinti

Dalintis

Kopijuoti

None

Norite, kad paryškinimai būtų įrašyti visuose jūsų įrenginiuose? Prisijunkite arba registruokitės