Genesis 27:39-40
Genesis 27:39-40 ASD
Sinabi ni Isaac sa kanya, “Hindi aani ng sagana ang lupaing titirhan mo, at palagi itong walang hamog na biyaya ng Diyos. Palagi kang makikipaglaban, at maglilingkod ka sa iyong kapatid. Ngunit kung lalaban ka sa kanya, makakalaya ka sa kanyang kapangyarihan.”





