1
LUCAS 12:40
Ang Biblia, 2001
Dapat din kayong maging handa, sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan.”
Linganisha
Chunguza LUCAS 12:40
2
LUCAS 12:31
Subalit, hanapin ninyo ang kanyang kaharian at lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay din sa inyo.
Chunguza LUCAS 12:31
3
LUCAS 12:15
Sinabi niya sa kanila, “Mag-ingat kayo at magbantay laban sa lahat ng kasakiman, sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa kasaganaan ng kanyang mga ari-arian.”
Chunguza LUCAS 12:15
4
LUCAS 12:34
Sapagkat kung saan naroroon ang inyong kayamanan ay naroroon din naman ang inyong puso.
Chunguza LUCAS 12:34
5
LUCAS 12:25
At sino sa inyo na sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang oras sa haba ng kanyang buhay?
Chunguza LUCAS 12:25
6
LUCAS 12:22
At sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Kaya nga sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin; o sa inyong katawan, kung ano ang inyong isusuot.
Chunguza LUCAS 12:22
7
LUCAS 12:7
Ngunit maging ang mga buhok ng inyong ulo ay bilang na lahat. Huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.
Chunguza LUCAS 12:7
8
LUCAS 12:32
“Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat nakakalugod sa inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian.
Chunguza LUCAS 12:32
9
LUCAS 12:24
Pansinin ninyo ang mga uwak. Hindi sila naghahasik, ni gumagapas man. Sila'y walang imbakan ni kamalig man, subalit sila'y pinapakain ng Diyos. Gaano pang higit kayong mahalaga kaysa mga ibon!
Chunguza LUCAS 12:24
10
LUCAS 12:29
At huwag ninyong laging hanapin kung ano ang inyong kakainin, kung ano ang inyong iinumin, at huwag kayong mabalisa.
Chunguza LUCAS 12:29
11
LUCAS 12:28
Ngunit kung dinadamitan ng Diyos nang ganito ang damo sa parang na ngayon ay buháy, at sa kinabukasan ay itinatapon sa pugon, gaano pa kaya kayo na kanyang dadamitan, O kayong maliliit ang pananampalataya?
Chunguza LUCAS 12:28
12
LUCAS 12:2
Walang bagay na natatakpan na hindi mabubunyag, at walang bagay na natatago na hindi malalaman.
Chunguza LUCAS 12:2
Nyumbani
Bibilia
Mipango
Video