Genesis 7
7
Ang Baha
1Sinabi ni Yahweh kay Noe, “Pumasok kayong mag-anak sa barko. Sa lahat ng tao'y ikaw lamang ang nakita kong namumuhay ng matuwid. 2Magdala ka ng pitong pares sa bawat hayop na malinis, at isang pares naman sa di-malinis. 3Pitong pares din sa bawat uri ng ibon ang iyong dadalhin. Gawin mo ito upang magpatuloy ang kanilang lahi sa balat ng lupa. 4Pagkaraan ng isang linggo, pauulanin ko nang apatnapung araw at apatnapung gabi upang lipulin ang lahat ng aking nilikha sa daigdig.” 5At ginawa nga ni Noe ang bawat iniutos ni Yahweh.
6Si Noe ay 600 taon nang bumaha sa daigdig. 7Pumasok#Mt. 24:38-39; Lu. 17:27. nga siya sa malaking barko kasama ang kanyang asawa, mga anak, at mga manugang upang maligtas sa baha. 8Sa bawat uri ng hayop, malinis o hindi, sa bawat uri ng ibon at maliliit na hayop, 9ay nagsama siya sa barko ayon sa utos ng Diyos. 10Pagkaraan ng pitong araw, bumaha nga sa buong daigdig.
11Si#2 Ped. 3:6. Noe ay 600 taóng gulang na noon. Noong ikalabimpitong araw ng ikalawang buwan, nabuksan ang lahat ng bukal sa ilalim ng lupa. Nabuksan din ang mga bintana ng langit. 12Bumuhos ang ulan sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi. 13Pumasok noon sa barko si Noe at ang kanyang asawa, kasama ang kanilang tatlong anak na lalaki na sina Shem, Ham at Jafet at ang kani-kanilang asawa. 14Pinapasok din niya ang bawat uri ng hayop—mailap at maamo, lumalakad at gumagapang sa lupa, at bawat uri ng ibon. 15Isang lalaki at isang babae ng bawat may buhay ang isinama ni Noe, 16ayon sa utos ng Diyos. Pagkatapos, isinara ni Yahweh ang pinto ng barko.
17Apatnapung araw na bumaha sa daigdig. Lumaki ang tubig at lumutang ang barko. 18Palaki nang palaki ang tubig habang palutang-lutang naman ang barko. 19Patuloy pang lumaki ang tubig hanggang sa lumubog ang lahat ng matataas na bundok, 20at tumaas pa nang halos pitong metro sa taluktok ng mga bundok. 21Namatay ang bawat may buhay sa lupa—mga ibon, maaamo at maiilap na mga hayop, lahat ng gumagapang sa lupa, at lahat ng tao. 22Ang lahat ng may hininga sa ibabaw ng lupa ay namatay. 23Ang mga tao at mga hayop sa daigdig ay nilipol ng Diyos, maliban kay Noe at sa kanyang mga kasama sa barko. 24Nagsimulang bumabâ ang tubig pagkatapos ng 150 araw.
ప్రస్తుతం ఎంపిక చేయబడింది:
Genesis 7: MBBTAG12
హైలైట్
షేర్ చేయి
కాపీ
మీ పరికరాలన్నింటి వ్యాప్తంగా మీ హైలైట్స్ సేవ్ చేయబడాలనుకుంటున్నారా? సైన్ అప్ చేయండి లేదా సైన్ ఇన్ చేయండి
New Testament © 2012 Philippine Bible Society
Old Testament © 2005 Philippine Bible Society

: