Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 1 Mga Taga-Corinto 13:4

Pag-ibig at Pag-aasawa
5 Araw
Sa pamamagitan ng pagtuon sa ating pag-aasawa sa loob ng konteksto ng Kasulatan, pinapayagan natin ang Panginoong magpakita ng mga bagong kaisipan tungkol sa ating mga ugnayan. Ang Babasahing Gabay na Pag-ibig at Pag-aasawa ay naghahandog ng isang talata ng Bibliya na maari ninyong gamiting mag-asawa upang pag-usapan. Ang limang-araw na planong ito ay isang maikling hakbangin papunta sa habang buhay na matibay na samahan.

Pagiging Determinado sa Iyong Buhay May-asawa
5 Araw
Ang isang matibay at malusog na buhay may-asawa ay hindi aksidenteng nangyayari lamang. Ang pagiging determinado ang susi sa pagkakaroon ng isang buhay may-asawang pinapangarap mo. Sa 5-araw na Babasahing Gabay na ito, bubulusok tayo sa iba't-ibang mga paksa na makakatulong sa iyo upang simulan ang proseso ng pagiging determinado kasama ang asawa mo upang marating mo ang buhay may-asawang hinahangad mo.

Pagpapatawad Para Sa Mga Nakasakit Sa Atin
7 Araw
Nagdurusa man tayo ng emosyonal o pisikal na sugat, ang pagpapatawad ay siyang pundasyon ng buhay Cristiano. Nakaranas si Jesu-Cristo ng hindi patas at hindi makatarungang pagtrato, maging ang hindi tamang kamatayan. Ngunit sa Kanyang huling oras, pinatawad Niya ang nanunuyang magnanakaw na nasa kabilang krus at maging ang mga nagparusa sa Kanya.

ANO ANG SINSABI NG BIBLIYA TUNGKOL SA PAG-IBIG
7 Araw
Ang debosyon na ito ay tungkol sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa pag-ibig. Hayaang palakasin ng mga talatang ito ang ating buhay.

121 Adbiyento
24 na Araw
Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.