Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Taga-Efeso 2:10

Freedom Fighters – Revived For A Reason (PH)
5 Araw
Ang Gospel isang message of freedom. Hindi ‘to bago sa atin dahil through the Gospel tayo’y naging malaya. Dahil dito naranasan natin ang joy of liberation. Dati tayong patay sa ating kasalanan at ngayo’y nabigyang buhay! Itong kalayaang ito ay ibinigay satin upang maibahagi rin sa iba at malaman nila na pwede rin silang maging malaya. Tara samahan niyo kami sa limang araw na pagtatalakay kung paano maging freedom fighter!

Bago sa Pananampalataya: Pagpahintulot sa Panginoon na Baguhin ang Iyong Buhay
5 Araw
Maligayang pagdating sa pamilya ng Panginoon! Ang buhay mo’y hinawakan Niya at binago ang iyong puso upang maging higit pa Kaniya. Subalit ano ba ang hitsura ng mga bagong mananampalataya na sumunod sa Kaniya? Ano ang gagawin mo upang mabago? Sa pamamagitan ng paggalugad sa kwento ng paglalakbay ng isang babae sa kaniyang pananampalataya, matutuhan mo kung ano ang hitsura sa pagsunod at pagtitiwala sa Kaniya.

Iniibig nang Dakilang Pag-ibig
5 Araw
Naranasan mismo ni Hosanna Wong ang pakiramdam ng di-nakikita, di-nararapat, at di-iniibig. Sa 5-araw na gabay na ito, tatalakayin niya ang siyam na pangalan na itinatawag sa iyo ng Diyos at bibigyan ka ng praktikal, kayang-gawing pampatibay-loob na tutulong sa iyong maisiwalat ang mga kasinungalingan, makita ang iyong sarili sa mga lente ng Diyos, at mamuhay nang may bagong pananaw at layunin.

Ang Pinakamalaking Desisyon ng Iyong Buhay!
6 Araw
Maraming mga desisyon sa buhay ang mahalaga para sa isang bagay. Gayunpaman, isa lamang ang pinakamahalaga. Kung ikaw ay naghahanap ng isang simpleng gabay para sa mas malalim na kaunawaan ng di-pangkaraniwang desisyon na ito - ang libreng kaloob ng Diyos na kaligtasan - magsimula ka rito. Kinuha mula sa aklat na “Out of this World; A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt.

Susunod: Edisyon para sa Mag-aaral
7 Araw
Sa 7-araw na batayang planong ito, tuklasin sa Salita ng Diyos kung sino ang Diyos at sino ka Niya nilikha.

Lumaya Mula Sa Paghahambing Isang 7 Araw na Gabay Ni Anna Light
7 Araw
Alam mo na binibigyan ka ng Diyos ng buhay na mas masagana kaysa sa buhay mo ngayon, pero ang nakakalungkot na katotohan ay ang paghahambing ay pumipigil sa'yo para magpatuloy sa susunod na antas. Sa gabay sa pagbabasa na ito isisiwalat ni Anna Light ang mga pananaw na babasag sa takip na inilalagay ng paghahambing sa iyong kakayahan, at tinutulungan kang isabuhay ang buhay na malaya at masagana na siyang dinisenyo ng Diyos para sa iyo.

Mamuhay ng isang Puno ng Layunin na Buhay!
7 araw
Ang masaya at puno ng layunin na buhay ay nakasalig sa mga relasyon, pagmamahal at pananampalataya. Kung naghahanap ka ng higit na kalinawan kaugnay sa plano ng Diyos para sa iyong buhay, gamitin ang planong ito upang makatulong sa pagtuon ng iyong hangarin at pagtuklas. Hango sa librong, "Out of This world: A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt.

Not a mistake!
7 Mga araw
7-Day Reading Plan: Not a mistake! Sa mundong puno ng labels, opinions, at pressure, madaling isipin na may mali sa’yo. Pero God says otherwise. You are intentionally created—buong-buo, may purpose, at hindi pagkakamali. This series reminds you that others’ opinions, social norms, emotions, thoughts, interests, and dreams don’t define you. God does. And to Him, you are wonderfully made. You are seen. You are known. You are not a mistake

Growing in God
7 Mga araw
Ang Growing in God ay isang 7-day devotional reading plan na tutulong sa’yo na mas lumalim ang relasyon mo sa Panginoon. Sa bawat araw, matututuhan mong mas makilala ang Diyos, maunawaan ang Kanyang disenyo para sa’yo, lumago sa relasyon mo sa ibang tao, maging tapat sa maliliit na bagay, maging spiritually mature, at maglingkod gamit ang mga kaloob na ibinigay Niya. May mga talata sa Biblia, maiikling pagninilay, at simpleng panalangin para ma-apply ang Salita ng Diyos sa araw-araw na buhay. Tandaan mo: isa kang miracle.

Simula Ng Iyong Paglago Kay Kristo
8 Mga araw
Bago ka ba sa iyong relasyon kay Hesus? Ang pagkilala kay Hesus ay ang pinaka-kapanapanabik na relasyon na maaari mong maranasan. Narito ang lugar kung saan ka maaaring magsimula.

Ano ang Tunay na Pag-Ibig?
12 Araw
Lahat ay gustong malaman kung ano talaga ang pag-ibig. Ngunit iilan lamang ang tumitingin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol dito. Pag-ibig ang isa sa pinakabuod na tema ng Banal na Kasulatan at ang pinaka-importanteng katangian ng buhay Cristiano. Sinasaliksik ng babasahing ito mula sa Thistlebend Ministries ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kahulugan ng pag-ibig at kung paano mapapabuti ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.

Maghari Ka sa Amin
15 Araw
Narinig namin na si Jesus ay nag-aalok ng "buhay na ganap" at hinahangad namin ang karanasang iyon. Nais namin ang buhay na iyon na nasa kabilang dako ng pagbabago. Ngunit anong uri ng pagbabago ang kailangan natin? At paano natin isasagawa ang proseso ng pagbabago? Sa Maghari Ka sa Amin, ikaw ay makatutuklas ng isang bagong paraang makapamuhay ng pambihira at kamangha-manghang buhay na paanyaya sa atin ng Diyos.

Mga Taga-Efeso
28 Araw
Mula sa magandang taas ng kung ano ang nais ng Diyos para sa kanyang mga anak, ang liham sa mga taga-Efeso ay nagpapaliwanag kung paano lumakad sa biyaya, kapayapaan, at pag-ibig ng Diyos. Araw-araw na paglalakbay sa Efeso habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
