Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mateo 1:23
Christmas or Crisis-much?
3 araw
Kapag naririnig natin noon ang salitang Christmas o Pasko, agad-agad ay kasiyahan at excitement ang naiisip at nadarama natin – nguni’t biglang nagkaroon ng pandemya at sari-saring crisis sa Pilipinas at maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Malungkot ba ang Pasko mo ngayon? Layon ng Plan na ito na sa harap ng napakahirap na sitwasyon ay makita pa rin natin ang tunay na kasiyahan at kahulugan ng Pasko.
Pagsamba sa Panahon ng Adbiyento
4 na Araw
Pag-asa, pagmamahal, kapayapaan, kagalakan. Ang mga salitang ito ay madalas bigkasin sa mga panahon ng kapaskuhan, ngunit naaalala ba natin kung bakit? Ang kuwento ng Pasko ay ang kuwento kung paano namagitan ang Diyos sa ating kasaysayan sa pamamagitan ng pagsilang ni Jesus. Ang buhay nina Maria, Jose, at ng mga pastol ay lubos na nabago ng kaganapang ito. Natagpuan nila ang pag-asa, pagmamahal, kapayapaan, at kagalakan; sama-sama nating tandaan kung paano, sa pamamagitan ni Jesus, mahahanap din natin ito.
Ang Kapanganakan Ni Hesus
5 Araw
Ngayong Pasko, balikan natin ang kuwento ng pagsilang ni Hesus, mula sa mga aklat ng Mateo at Lucas. Sa bawat araw ng gabay na ito, mapapanood ang isang maikling video ng mahahalagang bahagi ng kuwento.
Ang Magandang Balita ng Pasko
7 Araw
Sa susunod na limang araw, pag-aaralan natin ang regalo ng Diyos na na kay Hesukristo at ihahanda natin ang ating mga sarili para maging instrumento ng Diyos upang ipahayag at ibahagi sa iba ang pinakamahalagang regalong matatanggap nating lahat.
Ang Pasko
Limang Araw
Ang kwento ng pagsilang ni Hesus ay sentro na ating pagdiriwang ng Pasko. Ang babasahing gabay na ito ay nagsasalaysay ng abang simula ng ating Tagapagligtas na matagal ng inaabangan ng sanlibutan sa loob ng mahabang panahon. Ang maikling koleksyon ng babasahing ito ay nagdudugtong sa pagdating ni Emanuel, ang Diyos na nasa atin.
Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko
25 na Araw
Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.