Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mateo 28:20
Pakikipag-usap sa Diyos sa Panalangin
4 Araw
Ang buhay may-pamilya ay abala, at maaaring kadalasan ay hindi tayo nakakapaglaan ng oras para sa panalangin―kasama na rito ang pagtulong sa ating mga anak na makaugalian ang pagdulog sa Diyos araw-araw. Sa babasahing ito, makikita ng iyong pamilya kung gaano ninanais ng Diyos na marinig tayo at kung paano mapapalakas ng panalangin ang ating ugnayan sa Kanya at sa isa’t isa. Ang bawat araw ay may kasamang hudyat sa panalangin, maikling pagbasa ng Banal na Kasulatan at paliwanag nito, isang hands-on activity, at mga tanong na tatalakayin.
Susunod: Edisyon para sa Mag-aaral
7 Araw
Sa 7-araw na batayang planong ito, tuklasin sa Salita ng Diyos kung sino ang Diyos at sino ka Niya nilikha.
Anim na Hakbang Tungo sa Iyong Pinakamabuting Pamumuno
7 Araw
Handa ka na bang lumago bilang isang pinuno? Binubuksan ni Craig Groeschel ang anim na mga hakbang na biblikal na maaaring gawin ng sinuman upang maging mas mabuting pinuno. Tuklasin ang disiplina upang makapagsimula, ang kalakasan ng loob upang huminto, isang taong pinalakas, isang sistemang nililikha, isang relasyong sisimulan, at ang pakikipagsapalarang kailangang harapin.
Ang Biblia ay Buhay
7 Araw
Simula pa noong unang panahon, ang Salita ng Diyos ay aktibong nagpapanumbalik ng mga puso at isipan—at hindi pa tapos ang Diyos. Sa natatanging 7-araw na Gabay na ito, ating ipagdiwang ang nakakapagpabagong buhay na kapangyarihan ng Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng pagsusuri kung paano ginagamit ng Diyos ang Biblia upang makaapekto sa kasaysayan at baguhin ang mga buhay sa iba't ibang panig ng mundo.
ANO ANG SINASABI NG BIBLIYA TUNGKOL SA PAGIGING ALAGAD
7 Araw
Ang debosyon na ito ay tungkol sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagiging disipulo. Hayaang palakasin ng mga talatang ito ang ating buhay.
NAGBIBIGAY SIGLANG MGA TALATA KUNG IKAW AY NALULUNGKOT
7 Araw
Ang debosyon na ito ay naglalaman ng mga nakakapagbigay siglang mga talata sa Bibliya kung ikaw ay nalulungkot. Hayaang palakasin ng mga talatang ito sa Bibliya ang iyong espirituwal na buhay
Ang Muling Pagkabuhay Ni Hesus
16 na Araw
Nakalarawan sa apat na aklat ng ebanghelyo ang kamatayan ni Hesus sa krus at ang muli Niyang pagkabuhay. Ngayong Pasko ng Muling Pagkabuhay, alamin kung paano tiniis ni Hesus ang pagkakanulo, pagdurusa at kahihiyan doon sa krus bago nagkaroon ng pagbabago ang mundo sa dahil sa pag-asang hatid ng Kanyang muling pagkabuhay. Sa bawat araw ng gabay na ito, mapapanood ang isang maikling video ng mahahalagang bahagi ng kuwento.