Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mateo 6:11
Mga Panalangin ni Jesus
5 Araw
Kinikilala natin ang importansya ng komunikasyon sa mga relasyon, at wala itong pinagkaiba sa ating relasyon sa Dios. Nais ng Dios na tayo ay mangusap sa Kaniya sa pamamagitan ng panalangin—isang disiplina na kinaugalian, maging ng Kaniyang Anak, na si Jesus. Sa plano na ito, ay matututo ka sa mga halimbawa ni Jesus, at mahihikayat ka pang lalo na lumabas sa trapik ng buhay at maranasan mo mismo ang lakas at gabay na naibibigay ng panalangin.
MAYROON ka ngang Panalangin!
6 Araw
Tuklasin ang mga prinsipyo sa pagbuo ng isang malakas at epektibong buhay-panalangin. Panalangin - pakikipag-usap sa Diyos sa isang personal na antas - ang susi upang makita ang positibong pagbabago sa ating buhay at paligid. Hango sa librong, "Out of This World: A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt.
Paglakad kasama ni Jesus [Pagkabahala]
7 Araw
Ang pagkabahala ay kaaway ng pananampalataya. Ang ating mga alalahanin ang nagpahihina ng ating pananampalataya, . Ibinigay ng Diyos ang Kanyang salita upang mapagtagumpayan natin ang mga pag-aalala at mapalitan ng isang kwento ng pagtatagumpay. Sa debosyong "Paglalakad kasama ni Hesus", nawa tayong lahat ay maging matatag sa pananampalataya at mapagtagumpayan ang mga alalahanin.
Mga Katuruan Ni Hesus
7 Araw
Maraming bagay ang itinuro ni Hesus – walang hanggang pagpapala, pangangalunya, pananalangin, at iba pa. Ano ang kahulugan nito sa kasalukuyang panahon? Isang maikling video ng katuruan ni Hesus ang mapapanood bawat araw sa gabay na ito.
Maghari Ka sa Amin
15 Araw
Narinig namin na si Jesus ay nag-aalok ng "buhay na ganap" at hinahangad namin ang karanasang iyon. Nais namin ang buhay na iyon na nasa kabilang dako ng pagbabago. Ngunit anong uri ng pagbabago ang kailangan natin? At paano natin isasagawa ang proseso ng pagbabago? Sa Maghari Ka sa Amin, ikaw ay makatutuklas ng isang bagong paraang makapamuhay ng pambihira at kamangha-manghang buhay na paanyaya sa atin ng Diyos.
Panalangin
3 linggo
Alamin kung papano manalangin, mula sa mga panalangin ng mga mananampalataya at sa mismong mga salita ni Hesus. Makasumpong ng lakas at pag-asa upang patuloy na dalhin ang iyong mga kahilingan sa Diyos araw-araw, ng may pagpupumilit at pagtityaga. Siyasatin ang mga halimbawa ng mga hungkag at mga palalong dasal, ikumpara sa wagas na panalangin ng mga taong may malinis na puso. Laging manalangin.
Babasahing Gabay na Ang Mas Mabuti
28 Araw
Ikaw ba ay napupuno, nalulungkot, at nakakaramdam nang pagkabaon sa isang sitwasyon? Nais mo bang bumuti ang iyong pangaraw-araw na buhay? Ang Salita ng Diyos ang iyong gabay tungo sa mas magagandang mga araw. Sa 28-araw na babasahing gabay na ito, iyong matutuklasan ang mga paraan kung paano mas mapaganda ang iyong buhay na kalugod-lugod sa Kanya.