Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mateo 6:26

Paghahanap ng Kalayaan mula sa Stress
5 Araw
Ang stress ay totoo, ngunit hindi nito kailangang patakbuhin ang iyong buhay. Kay Cristo, may kakayahan tayong tukuyin, at bigyan ito ng bagong kahulugan. Kung ikaw ay nakakaranas ng stress, suriin mo ang 5-araw na Gabay sa Bibliang ito upang malaman kung paano makakamit ang kalayaan at kapayapaan.

Gawing Una ang Diyos
5 Araw
Ang pagiging una ng Diyos sa ating buhay ay hindi lamang minsan na kaganapan. . . ito ay panghabang-buhay na proseso sa bawat Kristiyano. Bago ka man sa pananampalataya o isa nang "beterano" na tagasunod ni Cristo, mapapansin mong madaling maunawaan at isabuhay ang gabay na ito, at isa itong napaka-epektibong pamamaraan para sa matagumpay na pamumuhay bilang Kristiyano.

Lumaya Mula Sa Paghahambing Isang 7 Araw na Gabay Ni Anna Light
7 Araw
Alam mo na binibigyan ka ng Diyos ng buhay na mas masagana kaysa sa buhay mo ngayon, pero ang nakakalungkot na katotohan ay ang paghahambing ay pumipigil sa'yo para magpatuloy sa susunod na antas. Sa gabay sa pagbabasa na ito isisiwalat ni Anna Light ang mga pananaw na babasag sa takip na inilalagay ng paghahambing sa iyong kakayahan, at tinutulungan kang isabuhay ang buhay na malaya at masagana na siyang dinisenyo ng Diyos para sa iyo.

Mga Aral ni Hesus: Mga Tamang Pasya at Pagpapalang Pangmatagalan
7 Araw
Maraming bagay ang itinuro ni Hesus – walang hanggang pagpapala, pangangalunya, pananalangin, at iba pa. Ano ang kahulugan nito sa kasalukuyang panahon? Isang maikling video ng katuruan ni Hesus ang mapapanood bawat araw sa gabay na ito.

Kagalakan sa Paglalakbay: Makatagpo ng Pag-asa sa Gitna ng Pagsubok
7 Araw
Maaaring hindi natin ito laging nakikita o nararamdaman, ngunit ang Diyos ay lagi nating kasama... kahit pa tayo ay dumaranas ng mga kahirapan. Sa gabay na ito, ang Finding Hope Coordinator na si Amy LaRue ay sumusulat mula sa kanyang puso tungkol sa pakikibaka ng sariling pamilya sa adiksiyon at kung paanong namayani pa rin ang kagalakan ng Diyos sa pinakamadilim na yugto ng kanilang buhay.

Discovering Your True Worth: Uncover the Value God Sees in You
7 Mga araw
Ang reading plan na ito, “Discovering Your True Worth: Uncover the Value God Sees in You,” ay tutulong sa’yo na makita ang tunay mong halaga sa mata ng Diyos. Sa loob ng ilang araw, matutuklasan mo through Bible passages, reflections, and simple prayers na mahalaga ka, pinahahalagahan ka, at may purpose ang buhay mo—regardless of failures, status, or past experiences. Ang plan na ito ay designed to help you build confidence, grow in faith, and embrace your identity in Christ, dahil tandaan mo: isa kang miracle at napakahalaga mo sa Kanya.

Paghahanap ng Kapayapaan
10 Araw
Nais mo bang magkaroon ng higit pang kapayapaan sa iyong buhay? Nais mo bang maging higit pa sa kahilingan lamang ang kapanatagan? Maaari mong makamtan ang tunay na kapayapaan ngunit mula lamang sa isang bukal -- Ang Diyos. Samahan si Dr. Charles Stanley habang ipinapakita niya sa iyo ang paraan tungo sa nakapagpapabagong-buhay na kapanatagan ng loob, na magbibigay sa iyo ng mga kasangkapan upang lutasin ang mga nakaraang pagsisisi, harapin ang mga kasalukuyang suliranin, at pawiin ang mga agam-agam tungkol sa hinaharap.

Babasahing Gabay na Ang Mas Mabuti
28 Araw
Ikaw ba ay napupuno, nalulungkot, at nakakaramdam nang pagkabaon sa isang sitwasyon? Nais mo bang bumuti ang iyong pangaraw-araw na buhay? Ang Salita ng Diyos ang iyong gabay tungo sa mas magagandang mga araw. Sa 28-araw na babasahing gabay na ito, iyong matutuklasan ang mga paraan kung paano mas mapaganda ang iyong buhay na kalugod-lugod sa Kanya.
