Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Taga-Roma 5:8

Iniibig nang Dakilang Pag-ibig
5 Araw
Naranasan mismo ni Hosanna Wong ang pakiramdam ng di-nakikita, di-nararapat, at di-iniibig. Sa 5-araw na gabay na ito, tatalakayin niya ang siyam na pangalan na itinatawag sa iyo ng Diyos at bibigyan ka ng praktikal, kayang-gawing pampatibay-loob na tutulong sa iyong maisiwalat ang mga kasinungalingan, makita ang iyong sarili sa mga lente ng Diyos, at mamuhay nang may bagong pananaw at layunin.

Awit ng Biyaya
5 Araw
Tuklasin ang lalim ng pagmamahal ng Diyos para sa iyo sa pamamagitan nitong debosyonal na Awit ng Biyaya. Gagabayan ka ng Ebanghelista na si Nick Hall sa isang makapangyarihang 5-araw na debosyonal na nag-aanyaya sa iyo na sumali sa Awit ng Biyaya ng Diyos na inaawit sa iyo.

Bakit Ako Mahal Ng Diyos?
5 Araw
Mga Tanong: Pagdating sa Diyos, meron tayong lahat niyan. Gawa ng mapagkumparang kultura, isa sa mga personal na tanong na makikitang naitatanong natin sa sarili, "Bakit ako mahal ng Diyos?" o malamang pati, "Paano Niya nagagawa?" Sa kurso ng planong ito, magkakaroon ka ng kabuuang 26 na talata sa Banal na Kasulatan—ang bawat isa ay naglalahad ng katotohanan tungkol sa walang pasubaling pag-ibig ng Diyos.

Krus at Korona
7 Araw
Karamihan sa Bagong Tipan ay nasulat upang makilala natin si Jesu-Cristo, ang kaligtasang natamo Niya sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus, at ang pangako ng Kanyang muling pagkabuhay. Sa debosyonal na ito, pinagnilayan ni Dr. Charles Stanley ang tungkol sa mahalagang dugo ni Jesus, ang muling pagkabuhay, at ang handog ng walang hangganang buhay na tinamo Niya para sa iyong kapakanan. Samahan siya sa pag-aalala ng halagang binayaran ni Jesus at ipagdiwang ang lalim ng dakilang pag-ibig ng Ama.

Ang Buhay na Hindi Bitin
9 Days
How can you live your life content, blessed and worry-free. Many people deal with stress, big and small problems and even success and wealth - but at the end of the day, they feel bitin. Bakit Kaya? Paano ba magkaroon ng buhay na hindi bitin? So what's the answer? The good news is that the answer is simple. Discover the answer in this reading devotional written by Mr. Ardy Roberto, a Christian prolific author and a businessman.

Ano ang Tunay na Pag-Ibig?
12 Araw
Lahat ay gustong malaman kung ano talaga ang pag-ibig. Ngunit iilan lamang ang tumitingin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol dito. Pag-ibig ang isa sa pinakabuod na tema ng Banal na Kasulatan at ang pinaka-importanteng katangian ng buhay Cristiano. Sinasaliksik ng babasahing ito mula sa Thistlebend Ministries ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kahulugan ng pag-ibig at kung paano mapapabuti ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.

121 Adbiyento
24 na Araw
Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.
