1
1 Mga Cronica 16:11
Ang Salita ng Diyos
ASD
Magtiwala kayo sa PANGINOON, at sa kanyang kalakasan. Palagi kayong dumulog sa kanya.
Paghambingin
I-explore 1 Mga Cronica 16:11
2
1 Mga Cronica 16:34
Magpasalamat kayo sa PANGINOON dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.
I-explore 1 Mga Cronica 16:34
3
1 Mga Cronica 16:8
Pasalamatan nʼyo ang PANGINOON. Sambahin nʼyo siya! Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa.
I-explore 1 Mga Cronica 16:8
4
1 Mga Cronica 16:10
Purihin nʼyo ang kanyang banal na pangalan. Magalak kayo, kayong mga lumalapit sa PANGINOON.
I-explore 1 Mga Cronica 16:10
5
1 Mga Cronica 16:12
Alalahanin ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa, mga himala, at ang kanyang mga paghatol.
I-explore 1 Mga Cronica 16:12
6
1 Mga Cronica 16:9
Awitan nʼyo siya ng mga papuri; ihayag ang lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa.
I-explore 1 Mga Cronica 16:9
7
1 Mga Cronica 16:25
Dahil dakila ang PANGINOON at karapat-dapat papurihan. Dapat siyang katakutan ng higit kaysa sa lahat ng mga diyos
I-explore 1 Mga Cronica 16:25
8
1 Mga Cronica 16:29
Ibigay ninyo sa PANGINOON ang mga papuring nararapat sa kanya. Magdala kayo ng mga handog at pumunta sa kanyang presensya. Sambahin ninyo ang PANGINOON sa kagandahan ng kanyang kabanalan.
I-explore 1 Mga Cronica 16:29
9
1 Mga Cronica 16:27
Nasa kanya ang kaluwalhatian at karangalan; ang kalakasan at kagalakan ay nasa kanyang tahanan.
I-explore 1 Mga Cronica 16:27
10
1 Mga Cronica 16:23
Kayong mga tao sa buong mundo, umawit kayo sa PANGINOON. Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagliligtas niya sa atin.
I-explore 1 Mga Cronica 16:23
11
1 Mga Cronica 16:24
Ipahayag ninyo sa lahat ng tao sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at kahanga-hangang mga gawa.
I-explore 1 Mga Cronica 16:24
12
1 Mga Cronica 16:22
Sinabi niya sa kanila, “Huwag ninyong galawin ang hinirang kong mga lingkod, huwag ninyong saktan ang aking mga propeta.”
I-explore 1 Mga Cronica 16:22
13
1 Mga Cronica 16:26
dahil ang lahat ng diyos ng ibang mga bansa ay ginawa lang nila para sambahin, ngunit ang PANGINOON ang lumikha ng langit.
I-explore 1 Mga Cronica 16:26
14
1 Mga Cronica 16:15
Hindi niya kinakalimutan ang kanyang kasunduan at pangako sa libu-libong henerasyon.
I-explore 1 Mga Cronica 16:15
15
1 Mga Cronica 16:31
Magalak ang langit, at magsaya ang lupa. Ipahayag nila sa mga bansa, “Naghahari ang PANGINOON.”
I-explore 1 Mga Cronica 16:31
16
1 Mga Cronica 16:36
Purihin ang PANGINOON, ang Diyos ng Israel, magpakailanman. At ang lahat ay magsabing, “Amen!” Purihin ninyo ang PANGINOON!
I-explore 1 Mga Cronica 16:36
17
1 Mga Cronica 16:28
Purihin ninyo ang PANGINOON, kayong lahat ng tao sa mundo. Purihin ninyo ang kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan.
I-explore 1 Mga Cronica 16:28