1
1 Mga Taga-Corinto 1:27
Ang Salita ng Diyos
ASD
Ngunit pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mangmang para ipahiya ang mga marurunong. Pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mahihina para ipahiya ang malalakas.
Paghambingin
I-explore 1 Mga Taga-Corinto 1:27
2
1 Mga Taga-Corinto 1:18
Ang mensahe ng pagkamatay ni Kristo sa krus ay kamangmangan para sa mga napapahamak, ngunit sa ating mga naliligtas, itoʼy kapangyarihan ng Diyos.
I-explore 1 Mga Taga-Corinto 1:18
3
1 Mga Taga-Corinto 1:25
Sapagkat ang inaakala ng tao na kamangmangan ng Diyos ay higit pa sa karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng Diyos ay higit pa sa kalakasan ng tao.
I-explore 1 Mga Taga-Corinto 1:25
4
1 Mga Taga-Corinto 1:9
Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Hesu-Kristo na ating Panginoon.
I-explore 1 Mga Taga-Corinto 1:9
5
1 Mga Taga-Corinto 1:10
Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo, na magkaisa kayong lahat, na walang hidwaang mamagitan sa inyo. Sa halip, magkaisa kayo sa isip at layunin.
I-explore 1 Mga Taga-Corinto 1:10
6
1 Mga Taga-Corinto 1:20
Ano ngayon ang kabuluhan ng marurunong, ng mga tagapagturo ng Kautusan, at ng mahuhusay sa debate sa panahong ito? Hindi baʼt ipinakita ng Diyos na ang karunungan ng mundong ito ay kamangmangan?
I-explore 1 Mga Taga-Corinto 1:20