Sinabi ng Diyos kay Solomon, “Dahil iyan ang iyong kagustuhan na matulungan ang iyong mga mamamayan at hindi ka humingi ng kayamanan, o karangalan, o kamatayan ng iyong mga kalaban, o ng mahabang buhay, kundi humingi ka ng karunungan at kaalaman para sa maayos na pamamahala ng aking mga mamamayan na kung saan ginawa kitang hari, ibibigay ko sa iyo ang iyong hinihingi. At hindi lang iyan, bibigyan din kita ng mga kayamanan, ari-arian at karangalan na hindi pa nakamtan ng sinumang hari noon at sa darating na panahon.”