1
Mga Taga-Colosas 1:13
Ang Salita ng Diyos
ASD
Iniligtas niya tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng minamahal niyang Anak.
Paghambingin
I-explore Mga Taga-Colosas 1:13
2
Mga Taga-Colosas 1:16
Sapagkat sa pamamagitan niya, at para sa kanya, nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, ang nakikita pati rin ang di-nakikita, katulad ng mga espiritung naghahari at namamahala, mga espiritung namumuno at may kapangyarihan.
I-explore Mga Taga-Colosas 1:16
3
Mga Taga-Colosas 1:17
Bago pa man likhain ang anumang bagay, naroon na si Kristo, at sa pamamagitan niya ang lahat ay nananatiling nasa kaayusan.
I-explore Mga Taga-Colosas 1:17
4
Mga Taga-Colosas 1:15
Si Kristo ang larawan ng di-nakikitang Diyos, at siya ang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha.
I-explore Mga Taga-Colosas 1:15
5
Mga Taga-Colosas 1:9-10
Kaya nga, mula nang mabalitaan namin ang tungkol sa inyo, hindi kami tumigil sa pagdarasal para sa inyo. Hinihiling namin sa Diyos na bigyan nawa kayo ng karunungan at pang-unawang mula sa Espiritu upang lubusan ninyong malaman ang kalooban niya. Sa ganoon, makakapamuhay kayo nang karapat-dapat at kalugod-lugod sa Panginoon sa lahat ng bagay. At makikita na lumalago kayo sa mabubuting gawa at sa pagkakakilala sa Diyos.
I-explore Mga Taga-Colosas 1:9-10
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas