1
Mangangaral 7:9
Ang Salita ng Dios
Huwag maging magagalitin dahil ang pagiging magagalitin ay ugali ng mga hangal.
Paghambingin
I-explore Mangangaral 7:9
2
Mangangaral 7:14
Magalak ka kung mabuti ang kalagayan mo. Pero kung naghihirap ka, isipin mong ang Dios ang gumawa sa dalawang bagay na ito. Para hindi natin malaman kung ano ang mangyayari sa araw ng bukas.
I-explore Mangangaral 7:14
3
Mangangaral 7:8
Mas mabuti ang pagtatapos kaysa sa pagsisimula. Ang pagiging matiisin ay mas mabuti kaysa sa pagiging mapagmataas.
I-explore Mangangaral 7:8
4
Mangangaral 7:20
Wala ni isang tao rito sa mundo ang laging gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.
I-explore Mangangaral 7:20
5
Mangangaral 7:11-12
Ang karunungan ay mabuti gaya ng isang pamana, pareho itong nakakatulong sa mga namumuhay dito sa mundo. Nagbibigay din ito ng proteksyon gaya ng pera. Pero higit pa roon, iniingatan nito ang buhay ng nagtataglay nito.
I-explore Mangangaral 7:11-12
6
Mangangaral 7:1
Ang malinis na pangalan ay mas mabuti kaysa sa mamahaling pabango; at ang araw ng kamatayan ay mas mabuti kaysa sa araw ng kapanganakan.
I-explore Mangangaral 7:1
7
Mangangaral 7:5
Mas mabuting makinig sa pagsaway ng marunong kaysa makinig sa papuri ng hangal.
I-explore Mangangaral 7:5
8
Mangangaral 7:2
Mas mabuting pumunta sa namatayan kaysa sa isang handaan, dahil ang lahat ay mamamatay. Dapat ay lagi itong isipin ng mga buhay pa.
I-explore Mangangaral 7:2
9
Mangangaral 7:4
Laging iniisip ng marunong ang kamatayan; pero ang hangal, ang laging iniisip ay kasiyahan.
I-explore Mangangaral 7:4
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas