“Ito ang mensahe ni Haring Cyrus ng Persia:
“Ibinigay sa akin ng PANGINOON, ang Dios ng kalangitan, ang lahat ng kaharian dito sa mundo, at ipinagkatiwala niya sa akin ang pagpapatayo ng templo para sa kanya roon sa Jerusalem na sakop ng Juda. Kayong lahat na mamamayan ng Dios, bumalik na kayo sa Jerusalem at muli ninyong ipatayo roon ang templo ng PANGINOON, ang Dios ng Israel, na nakatira sa lungsod na iyon. At samahan niya sana kayo.