1
Genesis 17:1
Ang Salita ng Diyos
ASD
Nang siyamnapuʼt siyam na taóng gulang si Abram, nagpakita sa kanya ang PANGINOON at sinabi, “Ako ang Diyos na Makapangyarihan. Palagi kang maging matapat sa akin at mamuhay nang matuwid.
Paghambingin
I-explore Genesis 17:1
2
Genesis 17:5
Mula ngayon, hindi na Abram ang itatawag sa iyo kundi Abraham dahil gagawin kitang ama ng maraming bansa.
I-explore Genesis 17:5
3
Genesis 17:7
Tutuparin ko ang kasunduan ko sa iyo at sa mga lahi mo sa susunod mo pang mga henerasyon, at ako ang magiging Diyos nila. Ang kasunduang ito ay magpapatuloy magpakailanman.
I-explore Genesis 17:7
4
Genesis 17:4
“Sa ganang akin, ito ang aking kasunduan sa iyo: Magiging ama ka ng maraming bansa.
I-explore Genesis 17:4
5
Genesis 17:19
Sumagot ang Diyos, “Oo, ngunit ang asawa mong si Sara ay manganganak ng lalaki at papangalanan mo siyang Isaac. Sa kanya ko ipagpapatuloy ang kasunduan ko sa iyo, at magpapatuloy ang kasunduang ito sa mga lahi niya magpakailanman.
I-explore Genesis 17:19
6
Genesis 17:8
Mga dayuhan lamang kayo ngayon sa lupain ng Canaan. Ngunit ibibigay ko ang buong lupaing ito sa iyo at sa mga lahi mo. Magiging inyo na ito magpakailanman, at patuloy akong magiging Diyos ninyo.”
I-explore Genesis 17:8
7
Genesis 17:17
Nang marinig ito ni Abraham, nagpatirapa siya, ngunit tumawa siya sa kanyang narinig. Sinabi niya sa kanyang sarili, “Magkakaanak pa ba ako na isangdaang taóng gulang na? At si Sara, mabubuntis pa kaya siya na nasa siyamnapung taóng gulang na?”
I-explore Genesis 17:17
8
Genesis 17:15
Sinabi pa ng Diyos kay Abraham, “Tungkol naman sa asawa mong si Sarai, hindi mo na siya tatawaging Sarai, kundi mula ngayon ay Sara na ang itatawag mo sa kanya.
I-explore Genesis 17:15
9
Genesis 17:11
Ito ang magiging palatandaan ng kasunduan ko sa inyo.
I-explore Genesis 17:11
10
Genesis 17:21
Subalit ang kasunduan ko sa iyo ay tutuparin ko lang kay Isaac. Ipapanganak ni Sara si Isaac sa ganito ring panahon sa susunod na taon.”
I-explore Genesis 17:21
11
Genesis 17:12-13
Mula ngayon hanggang sa susunod pang mga henerasyon, ang lahat ng batang lalaking isinilang sa inyo ay dapat tuliin sa ikawalong araw nito, pati ang mga aliping lalaki na isinilang sa sambahayan ninyo o binili ninyo sa mga dayuhan. Kailangang matuli silang lahat, isinilang man ito sa sambahayan ninyo o binili ninyo. Sapagkat ito ang palatandaan sa katawan ninyo na ang kasunduan ko sa inyo ay magpapatuloy magpakailanman.
I-explore Genesis 17:12-13
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas