Marami ang nasindak sa kanya,
dahil sirang-sira ang kanyang mukha
na parang hindi na mukha ng tao;
ang hitsura niyaʼy napinsala ng todo.
Pati ang mga bansa
ay mamamangha sa kanya.
Ang mga hari ay hindi makakaimik
dahil sa kanya,
sapagkat makikita nila ang mga bagay
na hindi pa nasasabi sa kanila.
At mauunawaan nila ang mga bagay
na hindi pa nila naririnig.”