Huwag sabihin ninuman kapag siyaʼy dumaranas ng pagsubok, “Akoʼy tinutukso ng Diyos,” sapagkat hindi maaaring matukso ng masama ang Diyos, at hindi rin niya tinutukso ang sinuman. Natutukso ang isang tao kapag nahihikayat siya at nadadala ng sariling pagnanasa.