1
Jeremias 12:1
Ang Salita ng Diyos
ASD
PANGINOON, palaging makatarungan ang inyong tugon, sa tuwing akoʼy dumaraing. Ngunit ngayon, ako ay may tanong tungkol sa inyong katarungan: Bakit po umuunlad ang masasamang tao? Bakit po mapayapa ang buhay ng mga taong taksil sa inyo?
Paghambingin
I-explore Jeremias 12:1
2
Jeremias 12:2
Pinagpapala ninyo sila tulad ng punongkahoy na nag-uugat, lumalago, at namumunga. Pinupuri nila kayo sa kanilang mga bibig ngunit hindi ito galing sa kanilang puso.
I-explore Jeremias 12:2