1
Jeremias 22:3
Ang Salita ng Diyos
ASD
Ito ang sinasabi ng PANGINOON: Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran. Tulungan ninyo ang mga ninakawan, iligtas ninyo sila sa kamay ng mga taong umaapi sa kanila. Huwag ninyong pagmamalupitan o sasaktan ang mga dayuhan, ulila at mga biyuda. Huwag din kayong papatay ng mga taong walang kasalanan.
Paghambingin
I-explore Jeremias 22:3
2
Jeremias 22:15-16
“Akala mo ba magiging dakila kang hari kung magtatayo ka ng palasyong gawa sa sedro? Bakit ayaw mong sundin ang iyong ama? Matuwid at makatarungan ang mga ginawa niya; kaya namuhay siya nang maunlad at payapa ang kalagayan. Ipinagtanggol niya ang karapatan ng mga dukha at ng mga nangangailangan, kaya naging mabuti ang lahat para sa kanya. Ganyan ang tamang pagkilala sa akin,” sabi ng PANGINOON.
I-explore Jeremias 22:15-16
3
Jeremias 22:13
Sinasabi ng PANGINOON, “Kahabag-habag ka Jehoiakim, nagtayo ka ng iyong palasyo sa masamang paraan, ang iyong mga silid sa paraang walang katarungan. Pinagtrabaho mo ang iyong kapwa nang walang suweldo, at hindi mo sila binayaran.
I-explore Jeremias 22:13