“Ito ang bagong kasunduan
na gagawin ko sa mga mamamayan
ng Israel pagdating
ng araw na iyon,”
sabi ng PANGINOON.
“Itatanim ko sa kanilang isipan
ang aking kautusan,
at isusulat ko ito sa mga puso nila.
Hindi na nila kailangan pang turuan
ang mga kababayan o kapatid nila
na kilalanin ang Panginoon.
Sapagkat patatawarin ko ang kanilang kasamaan
at kakalimutan ko na
ang kanilang mga kasalanan,”
sabi ng PANGINOON.