Sinabi ng PANGINOON, “O Israel,
kung talagang gusto mong
magbalik sa akin,
manumbalik ka na.
Kung itatakwil mo ang mga kasuklam-suklam
mong diyos-diyosan
at hindi ka na lalayo sa akin,
at kung susumpa ka
sa aking pangalan lamang
na nagsasabing,
‘Habang buháy ang PANGINOONG,’
at mamumuhay nang tapat,
matuwid at tama,
magiging pagpapala ka sa mga bansa
at pararangalan nila ako.”