Ito ang sinasabi ng PANGINOON:
“Hindi dapat ipagmalaki
ng marunong ang karunungan niya,
o ng malakas ang kalakasan niya,
o ng mayaman ang kayamanan niya.
Kung gusto ng sinuman na magmalaki,
dapat lang niyang ipagmalaki na kilala niya ako
at nauunawaan niyang ako
ang PANGINOONG mapagmahal na gumagawa
ng tama at matuwid dito sa mundo,
dahil iyon ang kinalulugdan ko.
Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito.