1
Juan 1:12
Ang Salita ng Dios
Ngunit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Dios.
Paghambingin
I-explore Juan 1:12
2
Juan 1:1
Nang pasimula, naroon na ang tinatawag na Salita. Ang Salita ay kasama ng Dios at ang Salita ay Dios.
I-explore Juan 1:1
3
Juan 1:5
Ang ilaw na itoʼy nagliliwanag sa kadiliman, at hindi ito nadaig ng kadiliman.
I-explore Juan 1:5
4
Juan 1:14
Nagkatawang-tao ang Salita at namuhay na kasama natin. Nakita namin ang kadakilaan niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Puspos siya ng biyaya at pawang katotohanan ang mga sinasabi niya.
I-explore Juan 1:14
5
Juan 1:3-4
Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Ang Salita ang pinagmumulan ng buhay, at ang buhay na itoʼy ilaw, dahil ito ang nagbibigay-liwanag sa mga tao.
I-explore Juan 1:3-4
6
Juan 1:29
Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na papalapit sa kanya. Sinabi niya sa mga tao, “Narito na ang Tupa ng Dios na ihahandog upang mag-alis ng kasalanan ng mga tao sa mundo!
I-explore Juan 1:29
7
Juan 1:10-11
Naparito siya sa mundo. At kahit na nilikha ang mundo sa pamamagitan niya, hindi siya kinilala ng mundo. Pumunta siya sa sarili niyang mga kababayan, pero tinanggihan siya ng karamihan.
I-explore Juan 1:10-11
8
Juan 1:9
Ang tunay na ilaw na nagbibigay-liwanag sa lahat ng tao ay dumating na sa mundo.
I-explore Juan 1:9
9
Juan 1:17
Ibinigay sa atin ng Dios ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises, ngunit ang biyaya at katotohanan ay napasaatin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
I-explore Juan 1:17
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas