1
Juan 8:12
Ang Salita ng Diyos
ASD
Muling nagsalita si Hesus sa mga tao, “Ako ang ilaw ng mundo. Ang sinumang sumusunod sa akin ay hindi na mamumuhay sa kadiliman, dahil nasa kanya na ang ilaw na gumagabay patungo sa buhay.”
Paghambingin
I-explore Juan 8:12
2
Juan 8:32
Malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”
I-explore Juan 8:32
3
Juan 8:31
Sinabi ni Hesus sa mga Hudyong sumampalataya sa kanya, “Kung patuloy kayong susunod sa aral ko, totoo ngang mga alagad ko kayo.
I-explore Juan 8:31
4
Juan 8:36
Kaya kung ang Anak ang magpapalaya sa inyo, talagang magiging malaya kayo.
I-explore Juan 8:36
5
Juan 8:7
Ngunit paulit-ulit silang nagtanong, kaya tumayo si Hesus at sinabi sa kanila, “Kung sino sa inyo ang walang kasalanan ay siya ang maunang bumato sa kanya.”
I-explore Juan 8:7
6
Juan 8:34
Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang nagkakasala ay alipin ng kasalanan.
I-explore Juan 8:34
7
Juan 8:10-11
Tumayo si Hesus at sinabi sa babae, “Nasaan na sila? May humatol ba saʼyo?” Sumagot ang babae, “Wala po.” Sinabi ni Hesus sa kanya, “Hindi rin kita hahatulan. Maaari ka nang umalis, pero huwag ka na muling magkasala.”]
I-explore Juan 8:10-11