Kaya ibigay mo na sa akin ang kabundukan na ipinangako sa akin noon ng PANGINOON. Ikaw mismo ang nakarinig noon, na nakatira roon ang mga lahi ni Anak at matitibay ang mga lungsod nila na may mga pader. Pero sa tulong ng PANGINOON, maitataboy ko sila sa lupaing iyon ayon sa pangako niya sa akin.”