1
Lucas 11:13
Ang Salita ng Diyos
ASD
Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa mga anak ninyo, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Banal na Espiritu sa mga humihingi sa kanya.”
Paghambingin
I-explore Lucas 11:13
2
Lucas 11:9
“Kaya sinasabi ko sa inyo: Humingi kayo sa Diyos, at bibigyan niya kayo. Humanap kayo, at makakatagpo kayo. Kumatok kayo, at pagbubuksan kayo.
I-explore Lucas 11:9
3
Lucas 11:10
Sapagkat ang sinumang humihingi ay nakakatanggap; ang naghahanap ay nakakatagpo; at ang kumakatok ay pinagbubuksan.
I-explore Lucas 11:10
4
Lucas 11:2
Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kapag nananalangin kayo, ganito ang sabihin ninyo: ‘Ama, sambahin nawa kayo ng mga tao. Nawaʼy magsimula na ang inyong paghahari.
I-explore Lucas 11:2
5
Lucas 11:4
At patawarin nʼyo kami sa aming mga kasalanan, sapagkat pinapatawad din namin ang mga nagkakasala sa amin. At huwag nʼyo kaming hayaang matukso.’ ”
I-explore Lucas 11:4
6
Lucas 11:3
Bigyan nʼyo kami ng pagkain sa araw-araw.
I-explore Lucas 11:3
7
Lucas 11:34
Ang mata ang nagsisilbing ilaw ng katawan. Kung malinaw ang mata mo, mapupuno ng liwanag ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang mata mo, mapupuno ng kadiliman ang buo mong katawan.
I-explore Lucas 11:34
8
Lucas 11:33
“Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay itatago o tatakpan ito ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan para magbigay-liwanag sa lahat ng pumapasok sa bahay.
I-explore Lucas 11:33