1
Lucas 19:10
Ang Salita ng Diyos
ASD
Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naliligaw.”
Paghambingin
I-explore Lucas 19:10
2
Lucas 19:38
Sinabi nila, “Pinagpala ang haring dumarating sa ngalan ng Panginoon!” “Kapayapaan sa langit, at papuri sa Kaitaas-taasan.”
I-explore Lucas 19:38
3
Lucas 19:9
Sinabi sa kanya ni Hesus, “Dumating na ngayon ang kaligtasan sa sambahayang ito, dahil siya ay mula rin sa lahi ni Abraham.
I-explore Lucas 19:9
4
Lucas 19:5-6
Pagdaan ni Hesus sa may puno, tumingala siya at sinabi, “Zaqueo, bumaba ka agad diyan, kailangan kong tumuloy sa bahay mo ngayon!” Kaya nagmadaling bumaba si Zaqueo at masayang dinala si Hesus sa kanyang bahay.
I-explore Lucas 19:5-6
5
Lucas 19:8
Tumayo si Zaqueo at sinabi, “Panginoon, ibibigay ko po sa mga mahihirap ang kalahati ng kayamanan ko. At kung may nadaya man ako, ibabalik ko sa kanya nang makaapat na beses ang kinuha ko sa kanya.”
I-explore Lucas 19:8
6
Lucas 19:39-40
Sinabi sa kanya ng ilang Pariseong kasama ng karamihan, “Guro, sawayin mo ang mga alagad mo.” Ngunit sinagot sila ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: Kung tatahimik sila, ang mga bato na ang sisigaw ng papuri.”
I-explore Lucas 19:39-40