1
Mateo 1:21
Ang Salita ng Diyos
ASD
Manganganak siya ng isang lalaki at papangalanan mo siyang Hesus dahil ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”
Paghambingin
I-explore Mateo 1:21
2
Mateo 1:23
“Magdadalantao ang isang birhen at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin siyang Immanuel” (na ang ibig sabihin ay “Kasama natin ang Diyos”).
I-explore Mateo 1:23
3
Mateo 1:20
Ngunit habang pinag-iisipan niya ito, may isang anghel ng Panginoon na nagpakita sa kanya sa panaginip. Sinabi nito, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria dahil ang ipinagbubuntis niyaʼy mula sa Banal na Espiritu.
I-explore Mateo 1:20
4
Mateo 1:18-19
Ganito nangyari ang kapanganakan ni Hesus, ang Mesias: Si Maria na kanyang ina ay ipinagkasundong ikasal kay Jose. Ngunit bago pa sila ikasal, nalaman ni Maria na siyaʼy nagdadalantao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Si Jose na mapapangasawa niya ay isang matuwid na tao at ayaw nitong malagay sa kahihiyan si Maria, kaya ipinasya niyang hiwalayan na lang si Maria nang palihim.
I-explore Mateo 1:18-19
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas