1
Mateo 27:46
Ang Salita ng Dios
Nang mag-alas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus nang malakas, “Eloi, Eloi, lema sabachtani?” na ang ibig sabihin ay “Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?”
Paghambingin
I-explore Mateo 27:46
2
Mateo 27:51-52
Nang sandali ring iyon, nahati mula sa itaas hanggang sa ibaba ang kurtina sa loob ng templo. Lumindol sa buong lupain at nagkabitak-bitak ang mga bato. Nabuksan ang mga libingan at maraming banal ang muling nabuhay.
I-explore Mateo 27:51-52
3
Mateo 27:50
Muling sumigaw nang malakas si Jesus at nalagutan ng hininga.
I-explore Mateo 27:50
4
Mateo 27:54
Ang kapitan at ang kanyang mga sundalo na nagbabantay kay Jesus ay nasindak nang mayanig ang lupa at nang makita ang mga pangyayari. Sinabi nila, “Totoo ngang siya ang Anak ng Dios!”
I-explore Mateo 27:54
5
Mateo 27:45
Nang mag-alas dose na ng tanghali, dumilim ang buong lupain sa loob ng tatlong oras.
I-explore Mateo 27:45
6
Mateo 27:22-23
Nagtanong pa ulit si Pilato, “Ano ngayon ang gagawin ko kay Jesus na tinatawag na Cristo?” Sumagot ang mga tao, “Ipako siya sa krus!” Tinanong sila ni Pilato, “Bakit, ano ba ang ginawa niyang kasalanan?” Pero lalo pang sumigaw ang mga tao, “Ipako siya sa krus!”
I-explore Mateo 27:22-23
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas