1
Mateo 5:15-16
Ang Salita ng Diyos
ASD
Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ito ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan para magbigay-liwanag sa lahat ng nasa bahay. Gayundin naman, pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw upang makita ito ng lahat. Sa gayon, masaksihan nila ang inyong mga mabubuting gawa at luluwalhatiin nila ang inyong Amang nasa langit.
Paghambingin
I-explore Mateo 5:15-16
2
Mateo 5:14
“Kayo ang ilaw ng mundo na hindi maikukubli, katulad ng isang lungsod na nasa tuktok ng burol.
I-explore Mateo 5:14
3
Mateo 5:8
Pinagpala ang mga taong may busilak na kalooban sapagkat makikita nila ang Diyos.
I-explore Mateo 5:8
4
Mateo 5:6
Pinagpala ang mga taong labis na naghahangad na tuparin ang kalooban ng Diyos, sapagkat silaʼy masisiyahan.
I-explore Mateo 5:6
5
Mateo 5:44
Ngunit sinasabi ko sa inyo na mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa inyo.
I-explore Mateo 5:44
6
Mateo 5:3
“Pinagpala ang mga taong umaaming may pagkukulang sila sa harapan ng Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng Langit.
I-explore Mateo 5:3
7
Mateo 5:9
Pinagpala ang mga taong nagtataguyod ng kapayapaan, sapagkat ituturing silang mga anak ng Diyos.
I-explore Mateo 5:9
8
Mateo 5:4
Pinagpala ang mga naghihinagpis, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.
I-explore Mateo 5:4
9
Mateo 5:10
Pinagpala ang mga taong inuusig dahil sa pagsunod nila sa kalooban ng Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng Langit.
I-explore Mateo 5:10
10
Mateo 5:7
Pinagpala ang mga taong mahabagin, sapagkat kahahabagan din sila ng Diyos.
I-explore Mateo 5:7
11
Mateo 5:11-12
“Pinagpala kayo kung dahil sa pagsunod ninyo sa akin ay iniinsulto kayo, inuusig at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan. Magalak kayo at matuwa sapagkat malaki ang gantimpala ninyo sa langit. Alalahanin ninyo, inusig din ang mga propeta noon.
I-explore Mateo 5:11-12
12
Mateo 5:5
Pinagpala ang mga taong mapagpakumbaba, sapagkat sila ang magmamana sa buong daigdig.
I-explore Mateo 5:5
13
Mateo 5:13
“Kayo ang asin ng mundo. Mabuti ang asin, pero kung itoʼy mawalan ng lasa, wala nang magagawa para maibalik ang alat nito. Wala na itong pakinabang kaya itatapon na lang at tatapak-tapakan ng mga tao.
I-explore Mateo 5:13
14
Mateo 5:48
Kaya dapat maging ganap kayo, tulad ng inyong Amang nasa langit.”
I-explore Mateo 5:48
15
Mateo 5:37
Sabihin ninyong ‘Oo’ kung oo, at ‘Hindi’ kung hindi; anumang higit pa rito ay galing na sa masama.
I-explore Mateo 5:37
16
Mateo 5:38-39
“Narinig din ninyong sinabi noon sa ating mga ninuno, ‘Mata sa mata, ngipin sa ngipin.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong lumaban sa masamang tao. Kung sampalin ka niya sa kanang pisngi, iharap mo pa ang kaliwa.
I-explore Mateo 5:38-39
17
Mateo 5:29-30
Kaya kung ang kanang mata mo ang sanhi ng iyong pagkakasala, dukutin mo ito at itapon! Mas mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa sa buong katawan mo ang itatapon sa impiyerno. At kung ang kanang kamay mo ang sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mas mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa sa buong katawan mo ang itatapon sa impiyerno.
I-explore Mateo 5:29-30
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas