1
Marcos 1:35
Ang Salita ng Diyos
ASD
Kinabukasan ng madaling-araw, bumangon si Hesus at pumunta sa ilang upang manalangin.
Paghambingin
I-explore Marcos 1:35
2
Marcos 1:15
Sinabi niya, “Dumating na ang takdang panahon! Malapit na ang paghahari ng Diyos. Pagsisihan at talikuran na ninyo ang inyong mga kasalanan, at maniwala kayo sa Magandang Balita!”
I-explore Marcos 1:15
3
Marcos 1:10-11
Pagkaahon ni Hesus sa tubig, nakita niyang bumukas ang langit at bumaba sa kanya ang Espiritu tulad sa isang kalapati. At may boses na narinig mula sa langit na nagsabi, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.”
I-explore Marcos 1:10-11
4
Marcos 1:8
Binabautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu.”
I-explore Marcos 1:8
5
Marcos 1:17-18
Sinabi ni Hesus sa kanila, “Halikayo, sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao.” Kaagad nilang iniwan ang mga lambat nila at sumunod sa kanya.
I-explore Marcos 1:17-18
6
Marcos 1:22
Namangha ang mga tao sa mga aral niya, dahil nangangaral siya nang may awtoridad, hindi tulad ng mga tagapagturo ng Kautusan.
I-explore Marcos 1:22