1
Mga Taga-Filipos 3:13-14
Ang Salita ng Diyos
Mga kapatid, hindi ko sinasabing naabot ko na ang ganap na buhay. Ngunit ito ang ginagawa ko ngayon: Kinakalimutan ko na ang nakaraan at pinagsisikapan kong makamtan ang nasa hinaharap. Nagpapatuloy ako hanggang makamtan ko ang gantimpala na walang iba kundi ang pagtawag sa akin ng Diyos na makapamuhay sa langit sa pamamagitan ni Kristo Hesus.
Paghambingin
I-explore Mga Taga-Filipos 3:13-14
2
Mga Taga-Filipos 3:10-11
Nais ko ngayon na higit pang makilala si Kristo, maranasan ang kapangyarihan ng muli niyang pagkabuhay, makabahagi sa mga paghihirap niya at matulad sa kanya, sa kamatayan niya. Sa ganoon, mabubuhay akong muli. Harinawa.
I-explore Mga Taga-Filipos 3:10-11
3
Mga Taga-Filipos 3:8
At hindi lang iyan, para sa akin, ang lahat ng bagay ay walang halaga kung ihahambing sa di-mapapantayang halaga ng pagkakilala ko kay Kristo Hesus na aking Panginoon. Itinuturing ko nang basura ang lahat ng bagay makamtan ko lamang si Kristo
I-explore Mga Taga-Filipos 3:8
4
Mga Taga-Filipos 3:7
Pinapahalagahan ko noon ang lahat ng ito, ngunit ngayoʼy itinuturing ko na itong walang halaga dahil kay Kristo.
I-explore Mga Taga-Filipos 3:7
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas