1
Kawikaan 11:25
Ang Salita ng Dios
Ang taong mapagbigay ay magtatagumpay sa buhay; ang taong tumutulong ay tiyak na tutulungan.
Paghambingin
I-explore Kawikaan 11:25
2
Kawikaan 11:24
Ang mga taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit ang mga taong sakim ay hahantong sa kahirapan.
I-explore Kawikaan 11:24
3
Kawikaan 11:2
Ang taong mayabang ay madaling mapahiya, ngunit may karunungan ang taong mapagpakumbaba.
I-explore Kawikaan 11:2
4
Kawikaan 11:14
Babagsak ang bansa kung ang namumuno nito ay walang gumagabay, ngunit kung maraming tagapayo tiyak ang tagumpay.
I-explore Kawikaan 11:14
5
Kawikaan 11:30
Ang ginagawa ng mga taong matuwid ay makakatulong sa iba upang mapabuti at mapahaba ang kanilang buhay. At madadala niya ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang karunungan.
I-explore Kawikaan 11:30
6
Kawikaan 11:13
Ang mga taong madaldal ay nagsisiwalat ng sikreto ng iba, ngunit ang taong mapagkakatiwalaan ay nakakapagtago ng sikreto ng iba.
I-explore Kawikaan 11:13
7
Kawikaan 11:17
Kung mabait ka para iyon sa iyong kabutihan, ngunit kung malupit ka para iyon sa iyong kapahamakan.
I-explore Kawikaan 11:17
8
Kawikaan 11:28
Mabibigo ang taong nagtitiwala sa kanyang kayamanan, ngunit ang taong matuwid ay lalago na parang sariwang halaman.
I-explore Kawikaan 11:28
9
Kawikaan 11:4
Ang kayamanan ay hindi makakatulong sa araw ng paghuhukom, ngunit ang matuwid na pamumuhay ay magliligtas sa iyo sa kamatayan.
I-explore Kawikaan 11:4
10
Kawikaan 11:3
Ang pamumuhay nang may katapatan ang gagabay sa taong matuwid, ngunit ang taong mandaraya ay mapapahamak dahil hindi tama ang kanyang pamumuhay.
I-explore Kawikaan 11:3
11
Kawikaan 11:22
Ang magandang babaeng hindi marunong magpasya ay parang isang gintong singsing sa nguso ng baboy.
I-explore Kawikaan 11:22
12
Kawikaan 11:1
Kinasusuklaman ng PANGINOON ang nandaraya sa timbangan, ngunit ang nagtitimbang ng tama ay kanyang kinalulugdan.
I-explore Kawikaan 11:1
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas