1
Kawikaan 13:20
Ang Salita ng Diyos
ASD
Kapag ang lagi mong kasama ay isang taong marunong, magiging marunong ka rin, ngunit kapag hangal ang lagi mong kasama ay mapapahamak ka.
Paghambingin
I-explore Kawikaan 13:20
2
Kawikaan 13:3
Ang taong maingat sa pagsasalita ay nag-iingat ng kanyang buhay. Ngunit ang taong madaldal, dulot sa sarili ay kapahamakan.
I-explore Kawikaan 13:3
3
Kawikaan 13:24
Ang mapagmahal na magulang ay nagdidisiplina ng kanyang anak. Sapagkat kung mahal mo ang iyong anak itutuwid mo ang kanyang ugali.
I-explore Kawikaan 13:24
4
Kawikaan 13:12
Ang hangaring naantala ay nakapanghihina, ngunit ang hangaring natupad ay nakapagpapalakas at nakapagpapasigla.
I-explore Kawikaan 13:12
5
Kawikaan 13:6
Ang taong walang kapintasan ay iingatan dahil sa kanyang matuwid na pamumuhay, ngunit ang makasalanan ay mapapahamak dahil sa kanyang kasamaan.
I-explore Kawikaan 13:6
6
Kawikaan 13:11
Ang kayamanang nakuha sa pandaraya ay madaling nawawala, ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala.
I-explore Kawikaan 13:11
7
Kawikaan 13:10
Ang kayabangan ay humahantong sa kaguluhan at pagtatalo, ngunit ang nakikinig sa payo ay nagpapahiwatig ng karunungan.
I-explore Kawikaan 13:10
8
Kawikaan 13:22
Ang kayamanan ng mabuting tao ay mamanahin ng kanyang mga apo, ngunit ang kayamanan ng makasalanan ay mapupunta sa matutuwid.
I-explore Kawikaan 13:22
9
Kawikaan 13:1
Ang matalinong anak ay nakikinig sa pangaral ng kanyang ama, ngunit ang mapangkutyang anak ay hindi nakikinig kapag sinasaway siya.
I-explore Kawikaan 13:1
10
Kawikaan 13:18
Ang taong ayaw tumanggap ng pangaral ay daranas ng kahirapan at kahihiyan, ngunit ang tumatanggap nito ay pararangalan.
I-explore Kawikaan 13:18