Pinagpala ang taong hindi namumuhay
ayon sa payo ng masasama
o sumusunod sa maling halimbawa
ng mga makasalanan,
at hindi nakikisama
sa mga taong mapangutya.
Sa halip ay nagagalak siyang sumunod
sa mga aral mula sa PANGINOON,
at kanyang pinagbubulay-bulayan
ang mga ito araw-gabi.